ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 10, 2022
Labis na na-touch si Lolit Solis sa ipinadalang tulong sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda para sa kanyang dialysis treatment.
Ayon sa veteran entertainment columnist/talent manager sa kanyang recent Instagram post, napaiyak daw siya nang malaman niyang nagpadala ng tseke sa kanya ang King of Talk.
“Umiyak ako nang sabihin ni Gorgy na nagpadala ng love check si Boy Abunda para sa dialysis session ko, Salve. Naiyak ako dahil para bang ang dami talagang tao na nagmamahal sa akin,” simula ng post ni ‘Nay Lolit.
“Gusto ko nga magyabang na sa dami ng nagbibigay ng love check para sa dialysis ko, parang sa loob ng isang taon, bayad na ang pagda-dialysis ko,” patuloy niya.
She also revealed na marami pa nga siyang tinanggihang tulong at hindi raw lahat ng nais magbigay ay tinatanggap niya.
“At hindi pagyayabang, marami pa akong tinanggihan. Tinatanggap ko lang ang tulong ng mga taong mahal ko, iyon puwede kong ipagtanggol, iyon I can take a bullet for them anytime.
“Tinatanggihan ko iyon ibinibigay ng mga taong hindi ko masyadong type dahil baka iyon freedom of expression ko na magbigay-opinion, malagay sa alanganin dahil sa tatanawin kong utang na loob sa ibibigay nilang tulong,” aniya.
Sinabi rin ng veteran columnist/talent manager na dahil sa pagkakasakit niya ay nalaman niyang marami palang nagmamahal sa kanya.
Comments