ni Madel Moratillo @News | August 17, 2023
Sa botong 265-0-3, sibak na sa Kongreso si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo "Arnie" Teves, Jr.
Una rito, inirekomenda ng House Committee on Ethics na ma-expel na si Teves.
Tatlong dahilan ang sinabi ng komite, una ay ang paghingi ni Teves ng asylum sa Timor-Leste, patuloy na pagliban sa trabaho na walang official leave of absence na isang paglabag sa House rules at "Indecent behavior" sa social media.
Ayon kay Ethics panel chair Rep. Felimon Espares, dahil sa bigat ng “misconduct" ni Teves, dapat lang itong ma-expel.
Si Teves ay una na ring idineklara bilang terorista, at nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal dahil sa mga alegasyon ng kaso ng pagpatay.
Siya rin ang itinuturong mastermind sa pamamaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Comments