ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 25, 2022
Mapapanood na rin sa NET25 ang pamilyang Vic Sotto, Pauleen Luna at anak nilang si Tali para sa programang Love, Bosleng and Tali.
Sa isinagawang launching ng mga bagong programa ng NET25 handog ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) ay work from home ang peg ng Love, Bosleng and Tali at hindi na nila kailangang lumabas pa.
Menos gastos ang naisip ni Bossing Vic na imbes na gumawa pa ang NET25 ng bagong studio para sa gagamiting bahay ay inalok na lang ng TV host/producer/actor ang tunay nilang bahay at masasabing safe pa lalo't kasama nga sa show ang 4-year-old daughter nilang si Tali.
Samantala, bilang nasa bahay nga sila, si Pauleen na rin pala ang nagsisilbing camerawoman at lighting director sa asawa kapag umeere ang Eat… Bulaga!.
“Yes, 'pag Eat… Bulaga, I work behind the camera kasi ‘yung portion namin sa Eat…Bulaga!, maraming kailangang communication from the studio. So, ako po ‘yung tumatayong writer, lights man, make-up artist, everything else para sa kanya (sabay tingin kay Vic), acting coach,” natawang kuwento ni Pauleen.
Hirit ni Vic, “Para rito sa Bosleng and Tali, mayroon kaming crew, assistants, kumpleto naman, cinematographer, we have three cameras na naka-antigen naman lahat.”
Masayang ibinahagi ni Pauleen na bukod sa artista sila sa Bosleng and Tali ay acting coach sila ng kanilang anak.
“Kasi siyempre, this is her very first acting experience, so, kailangan talaga ng matinding prep (preparation), matinding patience, dahil for all you know, hindi pa rin niya alam talaga kung ano ang ginagawa niya and we’re happy that she’s enjoying and actually looking forward to our shooting days kasi kaibigan niya rin ‘yung mga staff,” kuwento ni Pauleen.
Samantala, bukod sa Love, Bosleng and Tali, kasama sa mga programang ini-launch ng NET25 ang game show ni Aga Muhlach na Tara Game Agad-Agad, Level Up with co-hosts na sina Tik Tok star Yukii Takahashi at Brazilian actress and host Daiana Menezes na mapapanood tuwing Linggo simula sa Oktubre 16, 7 PM.
Nandiyan din ang bagong sitcom na pagbibidahan nina Empoy Marquez at Alexa Miro titled Anong Meron kay Abok? na mapapanood na sa Sabado, Oktubre 1, 7 PM.
Ang isa pang inaabangan ay ang pagpasok ng nag-iisang Korina Sanchez sa NET25 para sa programa niyang Korina Interviews. Isang oras niyang makakapanayam ang mga personalidad tungkol sa buhay-buhay nila na hindi pa alam ng publiko.
Tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang mga existing shows ng NET25 tulad ng Ano sa Palagay N’yo (Year 2), ang public service program nina Ali Sotto at Pat-P Daza na umeere sa NET25 mula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM; ang 16 years nang programa ni Gladys Reyes na Moments na kahit anong problemang nangyari sa bansa ay hindi natinag at napapanood tuwing Linggo, 4 PM; gayundin ang Oh No! It’s BO (BIRO ONLY) ni Joey de Leon na nasa 3rd season na at mapapanood tuwing Sabado, 8 PM.
Comments