ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 16, 2023

Aware si Moira dela Torre na lagi siyang napagkakamalan ng mga tao na nakainom dahil sa mabagal niyang pagsasalita. Some people even think na lasing siya kapag nagpe-perform.
“Akala po nila, lagi akong nakainom pero gusto ko pong sabihin sa inyo, hindi naman po,”
paliwanag ni Moira sa grand launch niya bilang ambassador ng Maria Clara Sangria na ginanap noong Huwebes, September 14, sa Luxent Hotel.
“Ganito lang po talaga akong magsalita. Paglabas ko po ng... paglabas ko po sa nanay ko, ganito na talaga ako,” hirit pa niya.
“Pati pag-iyak ko po yata, ganito na rin. Pasensiya na po,” sey pa ng singer-songwriter.
Biro pa ni Moira, marahil daw noong ipinagbubuntis siya ng nanay niya ay uminom ito ng Maria Clara Sangria kaya paglabas niya ay naging ganito siya.
Nakaka-tatlong baso pa lang daw siya ng Maria Clara ay nalalasing na siya, pero depende pa rin daw kung malungkot siya.
Aminado ang singer na talagang pinag-isipan niya nang husto nang matanggap niya ang offer na maging endorser ng nasabing inumin, simply because it’s an alcohol brand.
Pero umiinom na raw siya noon pa ng Maria Clara at kinalakihan na raw niya ito dahil nagdadala parati ang tita niya nito sa bahay. Kaya pamilyar na pamilyar daw ang nasabing inumin sa kanya.
Bukod dito ay nagustuhan pa niya ang campaign ng kumpanya kaya naman umoo na rin siya, finally. Mayroong two variants ang Maria Clara Sangria, isang regular at isang non-alcoholic at pareho itong ine-endorse ni Moira.
Si Moira ang may akda ng anthem na Maria Clara, isang full-length song na bagong jingle ng brand. Ipinahiram din niya ang kanyang tinig upang makapagkalat ng positibong mensahe ng self-love, anuman ang sitwasyon.
Sinasabi ng kantang Maria Clara sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong magiging maayos din ang lahat.
Mapapakinggan ang Maria Clara ni Moira Dela Torre sa Spotify.
Comments