ni Lolet Abania | April 18, 2022
Hindi na magkakaroon ng extension para sa deadline ng paghahain ng mga annual income tax returns matapos na ito ay iniurong kasabay ng paggunita ng Semana Santa, batay sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa isang post sa kanilang socmed account ngayong Lunes, ayon sa BIR, wala nang ekstensiyon ang Abril 18, 2022 deadline para sa pagpa-file at pagbabayad ng mga tax para sa taong 2021, gayunman, ang mga taxpayers ay pinapayagan na i-amend ang kanilang mga returns hanggang Mayo 16, 2022 nang walang mga penalties o multa.
“Allowing taxpayers time to amend returns until next month is in a bid to alleviate the difficulties in bearing the deadline on a holiday and considering the challenges encountered in the hybrid working arrangement adapted by most taxpayers,” pahayag ng ahensiya.
Orihinal na itinakda ang deadline para sa paghahain ng returns noong Abril 15, subalit natapat ito nang Biyernes Santo, kung saan idineklara bilang regular holiday ng Malacañang.
Ang mga taxpayers ay maaaring mag-file at magbayad ng kanilang kaukulang taxes sa pamamagitan ng mga authorized agent banks (AABs) at revenue collection officers (RCOs), na puwede nilang piliing gawin ito ng cash o kaya in check.
Kapag mga checks, dapat na gawing ibayad sa BIR, mayroon o wala mang IFO name at TIN ng taxpayer na nakasulat sa check na dating inire-require. Gayundin, ang pangalan at ang branch ng AAB ay hindi na kailangang ilagay.
Para sa mga piniling gamitin ang electronic filing and payment system (eFPS), maaari nilang gawin din ito sa pamamagitan ng mga payment channels gaya ng GCash, PayMaya, at MyEG.
Nakasaad sa mandato ng BIR, “to assess and collect all national internal revenue taxes, fees, and charges, and enforce all forfeitures, penalties, and fines connected. This includes cases decided in its favor by the Court of Tax Appeals and ordinary courts.”
Comments