ni Rensel Sabando @Entertainment | February 22, 2024

Nagdiwang ang aktres na si Sarah Geronimo at ang kanyang asawang aktor, host at entrepreneur na si Matteo Guidicelli ng kanilang ika-apat na anibersaryo ng kasal nu’ng Martes, Pebrero 20.
“Happy 4th year wedding anniversary my love,” isinulat ng aktor.
Patuloy niya, "4 years of “WOW!” Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many, many more years, forever. I love you. Thank you for being you,” na may red heart pa sa dulo.
May ilang celebrities ang nagpahatid din ng pagbati sa magkasintahan sa comment section.
“Happy anniversary Gs, Cheers to many more!,” ani ng The Voice Teens host na si Bianca Gonzalez.
Sabi naman ng Magandang Buhay host and actress na si Jolina Magdangal, “Happy, happy Anniversary!!!! Masaya akong makita ka sa Rivermaya concert!.”
Ilan sa mga nag-comment pa’y sina Susan Enriquez, Albert Nicolas, Maris Umali, Suzi Entrata-Abrera, Sam YG at MJ Marfori.
Bago ang kanilang anibersaryo, nakitang dumalo ang mag-asawa sa reunion concert ng Rivermaya noong February 17, kung saan nagtanghal ang kaibigan ni Sarah at kapwa coach sa The Voice at co-performer para sa Sarah x Bamboo concert na si Bamboo Mañalac kasama ang kanyang mga dating kabanda.
Sina Sarah at Matteo naman ay magkasama mula pa noong 2013 ngunit nahayag lamang ang kanilang relasyon makalipas ang isang taon, noong 2014.
Samantala, ang Popstar Royalty ay nag-open patungkol sa kanilang kasal ni Mateo at nai-share rin ang kanilang strong and long-lasting na pagsasama nu’ng nag-20th showbiz anniversary concert siya last May, 2023.
Comments