top of page
Search

Sa 38th Star Awards for TV… KIM, UMIYAK NANG TANGHALING BEST ACTRESS

BULGAR

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 28, 2025



Photo Kim Chiu sa PMPC - IG


SI Kim Chiu ang itinanghal bilang Best Drama Actress para sa seryeng Linlang sa katatapos lang na 38th Star Awards for TV ng PMPC last Sunday. 


Mangiyak-ngiyak na tinanggap ng aktres ang kanyang tropeyo at buong-pusong nagpasalamat sa ilang tao na nakatulong sa kanya upang magampanan nang maayos ang kanyang unang bida-kontrabida role sa telebisyon.


Samantala, si Piolo Pascual, Kim Chiu at Alden Richards ay may chemistry at puwedeng gawaan ng love angle. Ito ang nakita namin sa mga kilos at looks nila nang sila ay mag-host sa Star Awards for TV na ginanap sa Dolphy Theater of ABS-CBN last Sunday. 


Sey n’yo, Paulo Avelino at Kathryn Bernardo, plus siyempre mga Marites at tribu ni Mosang? Puwede naman, devah? ‘Yun na!


 

NAGING emosyonal si Janice de Belen na tinanggap ang pinakamataas na recognition (para sa isang artista o TV host) bilang recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award at nagbalik-tanaw siya sa kanyang pagsisimula bilang child star noong 1978.


Ang nagpakilala naman kay Julius Babao na ginawaran ng pagkilala bilang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award ay ang mentor niyang si Jake Maderazo, isang haligi ng ABS-CBN News and Public Affairs.


Tilian ang kanilang mga tagahanga nang umakyat sa entablado upang tanggapin ang kanilang tropeyo bilang German Moreno Power Tandem ang KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) at BarDa (Barbie Forteza at David Licauco). Ang special award na ito mula sa German Moreno Foundation ni Master Showman Kuya Germs ay tradisyong iginagawad tuwing Star Awards for Television.


Madamdamin ring tinanggap ni Maritess Gutierrez ang plake ng pagkilala ng PMPC para sa kanyang namayapang inang si Gloria Romero na binigyan ng special tribute bilang isa sa Icons of Philippine Television at inalayan ng bonggang awitin ni Concert King Martin Nievera.


Sa pamumuno ng batikang dokumenarista na si Howie Severino, naroon din ang i-Witness team ng GMA-7, upang tanggapin ang parangal nila nang maluklok ang kanilang iconic program sa PMPC Hall of Fame Award as Best Documentary Program, sa pagkakapanalo nang labinglimang beses sa iisang kategorya sa loob ng maraming taon.


Nauna rito ay inihayag na ng PMPC Star Awards ang ilan pang nanalo sa iba’t ibang kategorya.


Ang 38th Star Awards for Television ay mula sa Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard at sa direksyon ni Eric Quizon. Ang pagbibigay-parangal na ito ay mula sa PMPC Star Awards sa pamumuno ni Mell Navarro na kasalukuyang PMPC President at Overall Chairman Rodel Fernando.


Mapapanood ang delayed telecast ng buong gabi ng parangal sa April 5, Sabado, 10:30 PM sa Channel A2Z.


1 Comment


Z Hum
Z Hum
6 days ago

Tulfo's impressive 66% voter preference reflects his strong public appeal, likely stemming from his media background and DSWD service. However, popularity alone shouldn't be the sole measure for senatorial qualification - voters should also consider legislative competence and policy-making abilities.

Hearmeout online

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page