ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 4, 2025
Photo: Chito Miranda - IG
Nawala ang boses ni Chito Miranda habang nasa gig sila ng Parokya ni Edgar sa La Union last Feb. 1.
Mahigit 30 years na sa music industry ang grupo, pero ngayon lang nangyari sa vocalist ng Parokya ni Edgar na nawalan siya ng boses sa gitna ng pagdya-jamming.
Sa Instagram (IG) account ni Chito, sinabi niyang biglang nawala ang boses niya sa huling bahagi ng kanilang show, kung saan kasama pa naman nila ang Kamikazee band members na sina Jay Contreras and Bords (Allan) Bordeos.
Kuwento niya, “Sobrang saya ng gig namin kagabi sa Alpas, La Union. More than 2 hours yata ‘yung set namin, tapos, biglang nag-jam pa sina Jay at Bords ng KMKZ. Pero nu’ng mga last few songs, nawalan na ako ng boses, and it was obvious na hirap na ako kumanta, so I kept on apologizing to Jay and my bandmates...
“Sabi ko, ‘‘Di ko na kaya.’ Tapos, may sinabi sa akin si Jay na bigla akong nahimasmasan. Sabi niya, ‘Ok lang ‘yan, Chits... ‘di naman tayo sikat dahil magaling tayo, eh. Sikat tayo kasi masaya lang tayo,’ sabay tawa.
“‘Yun, kumanta na lang ako ulit na walang paki, and just enjoyed the last few songs hangga’t matapos ‘yung set.
“Minsan, may sense rin kausap ‘yung ungas na ‘yun, eh,” pabirong sabi pa ni Chito.
Muling pumirma ng kontrata ang talent ng GMA-7 at Viva actress na si Rhen Escaño sa CC6 at FunBingo, isang online gaming app.
Ayon sa CC6 ambassadress, hindi lang naman ang paglalaro ng mga online games ang purpose ng organisasyon. Ang perang ipinupuhunan umano ng player ay nakatutulong din sa mga unfortunate na tao.
Aniya, “May adbokasiya at pagmamalasakit sa kapwa ang aming online gaming. Kumbaga, ito ay isang app na may puso.”
Sa muling pagre-renew ni Rhen ng kontrata sa anibersaryo ng CC6, mas pinabongga pa ang community outreach programs ng CC6 at FunBingo. Pumupunta ang grupo sa mga barangay at rural areas kasama si Rhen upang personal na mag-abot ng tulong at pasayahin ang mga tao.
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang 5th anniversary ng CC6 at 7th anniversary ng FunBingo.
Hindi lang basta selebrasyon ang mangyayari dahil may nakatakdang malalaking papremyong ipamimigay mula sa CC6 at FunBingo — hindi lang para sa players kundi pati sa mas malawak pang charity efforts.
“Nakakataba ng puso na maging parte ng isang organisasyong hindi lang basta entertainment ang layunin, kundi ang makatulong sa mas maraming tao.
“Hangga’t kaya natin, ipagpapatuloy natin ang misyon ng pagbibigay ng saya at pag-asa sa ating mga kababayan,” wika ni Rhen.
Sa pangunguna ni Ms. Dhevy Sahagun ng B’Vibes Entertainment Production, at JAF Digital Group, mas marami pang mabibiyayaan at matutulungan ang organisasyon.
Mag-download lang ng CC6 & FunBingo at maglaro, asahan ninyong ang pera ninyo ay makakatulong sa mga taong nangangailangan.
Kung napasaya kayo ng CC6, nakapagpasaya rin kayo ng mga less fortunate people.
GINUNITA ni Charo Santos ang first death anniversary ni Deo Endrinal. Um-attend sa gathering ang beteranang aktres upang alalahanin ang yumaong head ng Dreamscape Entertainment at ishinare niya ito sa kanyang IG Stories.
Ang caption: “A heartfelt gathering on the 1st death anniversary of our dear colleague, @deo_endrinal, to honor and celebrate his life and legacy. It was wonderful to see you, @chinitaprincess, @jennipearls, and Inang.”
Dagdag pa niya, “We miss you so much, Deo.”
Comments