top of page
Search
BULGAR

Sa 3 yrs. nila, kuntento na raw siya… KEN, AMINADONG JACKPOT KAY RITA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 22, 2021



Wala nang mahihiling pa si Ken Chan kay Rita Daniela bilang ka-love team and leading lady.


“Napakagaling na aktres ni Rita, ang sarap niyang katrabaho. Lagi niya akong inaalagaan sa set. Alam niya kapag malungkot ako, alam niya kapag gutom ako, alam niya kapag masakit ang ulo ko, alam niya kapag pagod ako. Very sensitive siya na tao in a good way,” ani Ken.

Kaya naman sobrang suwerte raw niya kay Rita.


“Hindi lang siya isang mabuting katrabaho kundi mabuti rin siyang kaibigan at mabuti rin siyang kasama. Ang sarap niyang kasama,” aniya.


Sa tatlong taon daw na pagsasama nila, sobrang kuntento and very happy siya sa piling ni Rita.


“Nagsimula kami ni Rita, 2018, sa My Special Tatay. Pagkatapos, One of the Baes, at ngayon naman, Ang Dalawang Ikaw. Tatlong taon na kaming magkasama and I’m very, very happy dahil laging siya ang nakakasama ko at sana, marami pa kaming pagsamahan na future projects dito sa GMA-7,” pahayag pa ni Ken.


Pag-amin pa niya, “Napamahal na sa akin ‘yung tao, napamahal na sa akin si Rita. Lagi kong sinasabi sa kanya na masuwerte ako, sobrang thankful ako and blessed ako na siya ‘yung nakakatrabaho ko.”

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page