ni Lolet Abania | March 9, 2021
Naitala ang Pilipinas na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng 24-oras sa Western Pacific Region, ayon sa data ng World Health Organization (WHO).
Base sa datos ng WHO, nanguna ang bansa sa listahan na may 3,351 bagong kaso ng COVID-19, kasunod ang Malaysia na may 1,529 at Japan na mayroong 679.
Ayon sa Department of Health (DOH), nitong Lunes, ang dagdag na 3,356 bagong infected ng virus ay nakapagtala sa buong bansa ng kabuuang bilang na 597,763 cases habang 545,912 ang nakarekober at 12,521 ang namatay dahil sa COVID-19.
Ipinakita rin sa data na ang Pilipinas ang nai-report na may pinakamaraming kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Western Pacific countries na may 597,763 kaso.
Kasunod ang Japan na may 440,671 cases at Malaysia na may 314,989 kaso.
Samantala, ang Republic of the Marshall Islands at Samoa ang may pinakakaunting bilang ng COVID-19 cases na may apat lamang bawat isa, kasunod ang Lao na may 47 cases.
Comentários