top of page
Search
BULGAR

Sa 2 araw na national vaxx drive... 5 M Pinoy nabakunahan kontra-COVID-19

ni Lolet Abania | December 1, 2021



Umabot sa 2.3 milyon indibidwal ang nabakunahan kontra-COVID-19 nitong Martes, ang ikalawang araw ng three-day national vaccination drive ng gobyerno, ayon kay testing czar Vince Dizon.


“For the numbers for November 30, yesterday, we’re roughly at 2.3 million but we expect this to go up even more in the coming hours as we get more reports especially from rural areas,” ani Dizon sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon kay Dizon, kasunod ito ng 2.708 milyon doses na kanilang na-administer na nai-record sa unang araw ng vaccination drive nitong Lunes, Nobyembre 29.


Kaya nakapagbakuna na ang bansa ng tinatayang 5 milyon indibidwal sa unang dalawang araw ng “Bayanihan, Bakunahan” ng pamahalaan.


“Vaccinating 2.7 million doses in a day is not a joke. It's very, very difficult, that's why not a lot of countries can do it. Based on the number we’re seeing, I think for a single-day vaccination rate, the Philippines is probably in the top five in the world,” sabi ni Dizon.


Ayon naman kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bansa na may mataas na daily vaccination output ay China na may 22 milyon doses; India na may 10 milyon; at ang United States na may 3.48 milyon.


“Everybody said that vaccine hesitancy is so high, that people don’t want to get jabbed, but I think our bayanihan spirit has really shown us that if we work together especially under the leadership of President Duterte, that him egging on everyone to get vaccinated has proven that we can get things done,” pahayag ni Dizon.


Matatandaang binawasan ng task force ang kanilang target vaccination output para sa three-day vaccination drive na mula sa 15 milyon ay ginawang 9 milyon na lamang dahil sa kakulangan ng mga ancillary supplies, partikular na ang syringes o hiringgilya.


“While it’s true that we haven’t reached the 3 million target, like you said 2.7 million on the first day, is not bad and it just really motivates us more to get things working and just working together shows that we can get this done,” paliwanag pa ni Dizon.


Samantala, magkakaroon ng isa pang national vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17 para makatulong na makamit ang target ng gobyerno na 54 milyong Pilipino na maging fully vaccinated hanggang sa katapusan ng taon.

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page