ni Ambet Nabus @Let's See | October 10, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_dc1645562e7c4b97855f4e474fc41342~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_dc1645562e7c4b97855f4e474fc41342~mv2.jpg)
Masinsinan palang miniting ng pamunuan ng It's Showtime ang lahat ng kasama sa show kaugnay ng 12-day suspension sa kanila ng MTRCB.
Ayon sa aming mga nakausap, may direktang order daw ang pamunuan sa mga ito lalo na sa mga on-cam hosts na huwag nang magsasalita pa tungkol sa isyu.
Sufficient and enough na raw ang mga media statement na inilabas ng programa and to avoid further confusion, may ganu'ng order nga sa lahat.
Up to this very minute nga ay naninindigan ang It's Showtime na wala silang na-violate na alituntunin kaya't mamarapatin na lang nilang tanggapin ang sa tingin ng MTRCB na parusa nila.
Comments