ni Maricon Nolasco @MarisPluk |August 10, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_33b7f5c9ccf949769fc836d6e25fe6eb~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_33b7f5c9ccf949769fc836d6e25fe6eb~mv2.jpg)
Dahil sa Fast Talk with Boy Abunda, nabuking na marami palang niligawang female celebrities ang TV host-comedian na si Ryan Bang noon, pero sa kasamaang-palad ay nabasted nga lang siya.
Kasama niyang nag-guest sa nasabing programa ang kanyang kapwa host ng It's Showtime na si Jhong Hilario at dito na nga naganap ang pagbubulgar ni Ryan tungkol sa makulay na love life niya.
Ayon sa TV host-comedian, marami siyang pinormahang Filipina celebrities, pero ni isa ay walang nagkagusto sa kanya. Kaya ang tanong sa kanya ni Tito Boy, "Artistang nambasted sa 'yo?"
Ang mabilis at nakakatawang sagot naman ni Ryan, "Ay! Ang dami nila!"
Dagdag pa nito, "Magsisi kayo, ang dami n'yo!"
Hirit pa nito sa mga artistang nambasted sa kanya, "Gumawa kayo ng group chat."
Matatandaang nalantad sa It's Showtime na isa si Yeng Constantino sa mga artistang niligawan noon ni Ryan.
Sa ngayon, masaya na ang TV host-comedian sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na naipakilala na rin niya sa kanyang parents.
‘Yun na!
תגובות