ni Gerard Peter - @Sports | October 17, 2020
Maghihintay na lamang sa susunod na taon si dating 2012 London Olympics bronze medalists Mikhail “Misha” Aloyan ng Russia para muling makabalik sa professional boxing matapos itong mahawa sa matinding novel coronavirus disease (Covid-19).
Ayon sa inpormasyong ipinahatid ng koponan ng 32-anyos na Bambakashat, Armenian, SSR, Soviet Union-native sa Russian News Agency na TASS, ipinagpaliban na ang nakatakdang laban ng Russian boxer sa Disyembre 15 laban kay Columbian Pablo Carrillo (25-7-1, 16KOs) habang ito’y ginagamot sa isang hindi nabanggit na hospital.
“Mikhail Aloyan fell ill with coronavirus. He is undergoing treatment at the hospital. His fight with Pablo Carrillo, which was scheduled for December 15, has been cancelled,” wika ng isang kinatawan ng amateur flyweight champion.
Huling sumabak ang dating two-time World Champion sa 2011 Baku at 2013 Almaty championships noon pang Disyembre 10, 2019 laban kay Ronal Batista ng Panama na nagresulta sa unanimous decision victory para kay Aloyan (5-1, 0KOs) sa Kemerovo, Russia.
Sunabak ito sa professional fight noong 2017 na nakakuha ng 4-fight winning streak mula kina Yader Cardoza kung saan napagwagian niya ang mga bakanteng titulong WBA East-Asia super flyweight sa pamamagitan ng UD; Marvin Solano na nakuha ang bakanteng WBC Silver super-flyweight; Hermogenes Castillo na napagwagian ang bakanteng WBA International bantamweight title at Alexander Espinoza na pawang lahat ay mga Nicaraguan boxers.
Hindi nga lang pinalad ang dating 2010 European at 2008 Moscow World Cup champion laban kay Zolani Tete ng South Africa para sa WBO bantamweight title at quarterfinal round ng World Boxing Super Series sa pamamagitan ng unanimous decision defeat noong Oktubre 13, 2018 sa Expo Center sa Yekaterinburg, Russia.
Comments