top of page
Search
BULGAR

Run after contribution evaders (RACE) Campaign, alamin

@Buti na lang may SSS | April 30, 2023


Dear SSS,


Magandang araw!


Ako ay isang gasoline boy at nanilbihan sa aking employer nang halos pitong taon.


Regular akong kinakaltasan ng SSS contributions, ngunit nang magtsek ako sa SSS, walang remittance ang aking dating employer. Ano ang aksyon na ginagawa ng SSS laban sa ganitong uri ng mga employer? Salamat. —Randy


SAGOT:

Mabuting araw sa iyo, Randy!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat bukas, Mayo 1, gugunitain natin ang Labor Day o Araw ng Paggawa. Ito ay bilang pagpupugay sa kontribusyon ng mga mangagawang Pilipino para sa nation-building.


Bilang pakikibahagi ng SSS sa Araw ng Paggawa, muli nitong pinagtitibay ang aming mandato na isulong ang kapakanan ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang social security protection.


At isa sa paraan upang masiguro ang social security benefits ng mga manggagawa ay ang RACE campaigns nito. Inilunsad ito noong 2017 upang matiyak ang compliance ng mga employers sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.


Nakasalalay sa bilang ng buwanang kontribusyon ang benepisyong maaaring i-avail ng isang miyembro. Kaya, kung hindi nagre-remit ang employer nito ng monthly SSS contributions, ang miyembro ay hindi makakakuha o makakatanggap ng mga benepisyo at pribilehiyo gaya ng mga pautang mula sa SSS.


Noong Biyernes, Abril 28, nagsagawa ang SSS ng sabayang RACE operations sa 108 lugar sa buong bansa upang paalalahanan ang mga employers na hindi tumatalima sa kanilang primary responsibility ng pagbabawas at pagre-remit ng kanilang mga kontribusyon ng kanilang mga empleyado at kasambahay sa SSS.


Sa ilalim ng RACE, binibisita ng SSS ang mga employers tulad ng mga sumusunod:

  • Hindi nakapagre-remit ng mga SSS contributions ng kanilang mga empleyado;

  • Hindi nakapag-rehistro o nag-rehistro sa SSS ng kanilang mga negosyo o empleyado; at

  • Hindi ini-report ang kanilang mga empleyado para sa coverage sa SSS, at iba pang mga kahalintulad na sitwasyon.


Pangunahing layunin ng SSS ang patuloy na mabigyan ng social security protection ang mga empleyadong nasa pribadong sektor bilang bahagi ng kanyang mandato na makapagbigay ng mga benepisyo sa oras ng kanilang pangangailangan bunsod ng pagkakasakit (sickness), panganganak (maternity), pagkabalda (disability), pagkawala ng trabaho (unemployment), pagreretiro (retirement), pagpapalibing (funeral), at pagkamatay (death).


May mga identified employer na tayo sa araw ng RACE operations kung saan ibinibigay natin sa mga may-ari ng negosyo o employers at ang kanilang mga authorized representatives ang written notice kung saan isinasaad na kailangan nilang makipag-ugnayan sa SSS sa loob ng 15 days tungkol sa pagse-settle ng kanilang legal obligations sa SSS.


Naiintindihan namin na may ilang employer ang nahirapan dahil sa pandemya, kaya binuksan ng SSS ang dalawang contribution penalty condonation program upang makatutulong sa kanila sa pagbabayad ng kanilng delinquency sa SSS. Ang Contribution Penalty Condonation, Delinquency Management and Restructuring Program ay para sa mga business employers tulad ng single proprietorships, corporations, partnerships, cooperatives, at associations). Samantala, ang Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program ay para naman sa household employers.


Sa ilalim ng nasabing contribution penalty condonation programs, maaaring bayaran ng mga delingkwenteng employer ang hindi nila na-remit na kontribusyon ng kanilang mga empleyado at kasambahay ngunit hindi na sila sisingilin sa anumang naipong multa o penalty bunga ng late remittance. At binibigyan din sila ng SSS na option na bayaran ito nang buo o installment.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (ConsoLoan) para tulungan mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP).


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa "MYSSSPH" at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates." Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page