ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 15, 2025
Photo: Ruffa Gutierrez - IG
Sa kuwento ni Ruffa Gutierrez, muli palang nag-propose ng kasal ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. Pero dahil halos 18 years pala silang hindi nagkikita maliban sa nagkakausap sila nang madalas, iniisip daw niyang ‘joke’ lang ito.
Simula raw kasi nang mabuksan uli ang kanilang communication nang dahil sa kanilang mga anak, nagsimula na rin daw na maging komportable sila sa isa’t isa.
Kaya siguro nakakapagbiro nga ng marriage proposal uli si Yilmaz na mukha namang ikinatutuwa ni Ruffa.
At halata rin namang updated si Ruffa sa kanyang ex na ibinalita pa niyang wala na nga raw pinakasalang iba, maliban sa kanya.
Matatandaang na-link din si Yilmaz sa isang Miss Universe winner, pero wala na rin tayong narinig since then.
Basta ayon kay Ruffa, nagbibigay na ng kanyang ‘share’ si Yilmaz, lalo’t sa USA nag-aaral ang kanilang mga anak na sina Venice at Lorin.
“Confident naman,” ang makahulugang tugon pa ni Ruffa sa tanong kung may dapat daw bang ma-threaten sa ibinalita niyang marriage proposal ng ex niya.
Hmmm... well, ang last na na-link kay Ruffa ay si Pareng Herbert Bautista. Confident nga kung ganu’n!
Si Ruffa ngayon ang latest endorser ng LUXE brands na skin glowtion, lip cream at luxe slim ng Luxe Beauty and Wellness group ni Madam Anna Magkawas.
Kaya naman pala super gorgeous at very confident ang aura ng ganda ni Ruffa Gutierrez!
MAY mga nagtatanong naman kung magiging coach pa raw ba si Lani Misalucha ng The Clash (TC) ngayong nasa Tawag ng Tanghalan na ito bilang isa sa mga hurado?
A resounding ‘yes’ ang nakuha naming sagot mula sa isang source from Kapuso Network.
“Wala namang problema at conflict dahil may collab na ang dalawang networks pagdating sa talent o artist sharing. Iba naman ang labanan sa magkaibang singing search at may ibang criteria na sinusunod. We don’t see any problem on that,” sagot ng aming kausap.
Matagal na palang inaawitan na maging hurado si Lani sa Tawag ng Tanghalan (TNT) pero dahil nga sa may conflict pa noon ang mga kontrata nila sa bawat network, hindi ‘yun naging posible.
Malaking bagay at addition sa TNT si Lani given her expertise.
Aniya, “At saka mas makakatulong ‘yun sa mga international stints ni Lani dahil mas napapanood ‘yun ng marami abroad,” segue naman ng isang mahadera.
Hahaha!
TO the rescue ang mga fans ni Kim Chiu sa ginawang pag-call out dito ng mga Duterte supporters dahil sa simpleng word na ‘deserve’.
Naipaliwanag na’t naipakita pa ang proof na bahagi ng spiel sa It’s Showtime (IS) ang naturang salita na kapwa nga binanggit nina Kim at Vhong Navarro, pero higit nga ang
nakuhang ‘bashing’ ni Kim dahil doon.
Pagpapatunay talagang handa ring makipagbardagulan ang mga Kim o KimPau fans kapag alam nilang inilalagay sa mali ang idolo nila.
Abalang-abala sina Kim at Paulo ngayon sa promo ng movie nila na ngayong March 26 na nga ipapalabas, ang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).
Marami na kaming nababalitaan na mga grupong may sponsor ng mga block screenings here and abroad.
Hindi man daw nila mapantayan ang nagawang box office success ng highest grossing local film of all time na Hello, Love, Again (HLA), titiyakin daw nilang magiging box office champion din ang movie.
Comments