ni Angela Fernando - Trainee @News | April 15, 20244

Matapos ang matagal na pananahimik ng aktres na si Roxanne Guinoo mula sa showbiz, nagkaroon ng pagkakataon si Toni Gonzaga na makapanayam ito sa kanyang vlog na “Toni Talks” at napag-usapan nila ang buhay niya malayo sa ingay na dala ng industriya.
Pagkukuwento ni Roxanne nang mausisa ni Toni ang tungkol sa kanyang pagbubuntis nu'ng siya'y 23-anyos pa lang, hindi raw siya nagdalawang-isip na ituloy ang kanyang first baby kahit pa kasagsagan ng career niya nu'ng mga panahon na 'yun.
Kung may isa raw siyang dapat ginawa, 'yun ay kumonsulta sa kanyang ina upang hindi siya masyadong nagmadali sa mga desisyong kanyang ginawa dahil aminado naman ang aktres na nagbabalik-showbiz na naging indecisive siya.
Tinanong naman ni Toni kung may regrets daw ba si Roxanne sa buhay ngunit nilinaw naman nitong wala siyang nararamdamang pagsisisi dahil 'yun ang nagbigay-aral sa kanya.
Para kay Roxanne, hindi na niya ipagpapalit ang peace at contentment na meron siya ngayon kasama ang kanyang pamilya.
Comments