top of page
Search
BULGAR

ROTC, dahilan kaya may karahasan, pang-aabuso, at hazing

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 12, 2023



Noong Martes ay nagsagawa ng hearing ang Senate Committee on Justice and Human Rights para imbestigahan ang pagkamatay ni John Matthew Salilig na pinaniniwalaang dahil sa hazing rites ng isang fraternity.


Nakakalungkot dahil sa kabila ng pagkakaroon ng pinahigpit na RA 10053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 ay nananatili pa rin ang pananakit ng ilang mga grupo.


Wala na ba talaga tayong takot o konsensya para ipagpatuloy ang pananakit sa ating kapwa?


Walang lugar sa isang sibilisadong lipunan ang kultura ng karahasan at dapat panagutin ang mga taong sangkot sa insidenteng ito.


☻☻☻


Hindi rin natin maintindihan kung bakit ginagamit ng ilang mga mambabatas ang insidenteng ito para isulong ang pagkakaroon ng mandatory ROTC sa bansa.


Ayon sa kanila, kailangan ang ROTC para maturuan ang mga kabataan na respetuhin ang batas, galangin ang bansa at ang kapwa.


Sa kasalukuyan, anim na panukalang-batas ang inihain sa Senado para muling ibalik ang mandatory ROTC sa mga college students sa bansa.


☻☻☻


Tila nakalimutan na ng iba na ang dahilan na kaya nasuspinde ang ROTC program ay dahil sa katiwalian, pang-aabuso at hazing.


Siguro, dapat munang ipaliwanag ng mga nagsusulong nito kung bakit ang ROTC na kanilang sinasabing may ‘tradition of discipline’ ay may mahabang listahan ng hazing cases.


Bukod dito, nais ko ring idiin na hindi hawak ng ROTC ang prangkisa ng pagdidisiplina o pagmamahal sa bayan.


Iba’t iba ang hugis ng patriyotikong pagmamahal, at lahat tayo ay may sari-sariling paraan ng hindi mapanakit na pagdidisiplina.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page