ni GA / Clyde Mariano @Sports | November 20, 2023
Binigo ng San Miguel Beermen ang ambisyon ng Meralco Bolts na kunin ang pangatlong sunod na panalo at nilasing ang Bolts, 93-83, sa Commissioner’s Cup sa 2023-24 PBA kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Galing sa pagkatalo sa unang laro sa NLEX, 113-117, sa overtime, sa Ynares Center sa Antipolo, pinagbuntungan nang kanilang galit ang Meralco at dinomina ang laro at itarak sa mahinang boltahe ng Bolts ang unang talo sa tatlong laro.
Ang top-of-the-key triple ni Chris Ross laban sa defensive arms ni Chris Newsome ang susi sa pagkaiwan sa Bolts, 88-81. Tumapos si Ross ng 10 points.
Pinamunuan ni import Ivan Aska ang balanseng opensiba ng SMB na umiskor ng game high 27 points, 11 sa fourth quarter, at 13 rebounds sa pangalawa niyang appearance sa SMB.
Samantala, kinubra ng Savouge RTU Basilan ang kanilang ikatlong panalo at solong second spot sa Pool D upang matakasan ang bagsik ng Xentro Mall-Generals sa first set tungo sa 20-25, 32-30, 25-20, 25-22 sa unang laro ng triple-header na mga laro ng 2023 Spiker’s Turf Invitational Conference kahapon sa Paco, Maynila.
Humambalos si Jhun Lorenz Senoron ng game-high 21 puntos mula sa 20 atake, habang sumegunda sa iskoring si Renzel Antonio sa 18pts kasama ang 16 kills at dalawang service aces, gayundin ang kontribusyon nina Luke Constantino sa 11pts at John Anthony Deseo sa 10pts, samantalang nagpamahagi si John Kenneth Hernandez ng 25 excellent sets.
“Nung una, alam ko naman talagang kaya nilang ilabas ang tunay na laro nila kahit di namin nakuha ang first set. Nakita ko naman na ginagawa nila lahat kaya sabi ko basta ilabas niyo ang laro niyo kahit kaninong team lalaban tayo,” wika ni head coach Sabtal Abdul.
Comments