ni Clyde Mariano @Sports News | Oct. 6, 2024
Natapos na ang epic five quarterfinals at ang Rain or Shine ang pinalad na makaharap ang Talk ‘N Text sa best-of-five semis na tinalo ang Magnolia Hotshots sa 113-103, sa “you or me” Game 5 sa PBA 49th Season Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Wala sa kanila ang nais na matalo, subalit isa lang sa kanila ang mananalo at sinibak ng ROS ang Hotshots sa wala nang bukas na Game 5 para tuluyang palakasin ang ambisyon ni coach Yeng Guiao na kunin ang pagwalong PBA title na dalawa mula sa RoS.
Sa panalo nakaganti ang RoS sa Magnolia na tinalo sila sa Game 4, 100-129, at napanatili ang magandang record sa Ynares Center nang talunin ang Hotshots, 111-106 sa overtime sa Game 3. “Ang objective namin is to stay close and not allow Magnolia to stay away from us. We will play it all the way down the line and that’s where we are able to win,” sabi ni Guiao. Namayani si Andrei Caracut sa panalo ng RoS at dinala ang E-Painters sa semis laban sa TNT na unang sinibak naman ang NLEX Road Warriors.
Malaki ang naging ambag ni Aaron Fuller sa RoS nang talunin si import Jabari Carl Bird sa kanilang match up. Umiskor ang 34-anyos na NBA veteran huling 44 segundo para sa 109-101 patungo sa semis.
“Now, the quarterfinal is over, our next move is to prepare the semis. Panibagong pakikipaglaban naman ang amin harapin against another strong team Talk ‘N Text. Beating TNT is a tough task. It needs a lot of sacrifice and hardwork to beat TNT,” ani Guiao nang pabalik sa dugout kasama ang kanyang mga players. “We fought hard and exerted our efforts to win. Breaks however, seem not in our side,” malungkot sinabi ni Victolero.
Comments