ni Angela Fernando @News | September 16, 2024
Itinuturing ng "fugitive" o takas ang dating presidential spokesperson na si Harry Roque ng kanyang mga dating kasamahan sa Kamara, ayon sa isang mambabatas nitong Lunes.
Matatandaang na-detain na si Roque noon dahil sa kanyang kabiguan na dumalo sa pagdinig ng House Quad Committee, isang komite na binubuo ng apat na panel na nagsisiyasat sa mga isyung may kaugnayan sa administrasyon ni Duterte, sanhi ng aberya sa kanyang schedule.
Nabigong matagpuan ng House Sergeant-at-Arms kasama ang tulong ng Philippine National Police (PNP) si Roque matapos siyang paghahanapin sa loob ng 3-araw upang ihatid ang detention order mula sa Kamara.
Comments