ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021
Tatlong araw nang naka-confine sa ospital si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa COVID-19 at maayos naman ang kanyang kondisyon, batay sa ibinahagi niyang Facebook post ngayong araw, Abril 11.
Aniya, “I do feel normal already on my 3rd day of confinement, enough to do my thrice a week briefings. Will check into a TTMF on Friday to complete my 14 days of isolation. Thx again for all your well wishes and prayers.”
Nakumpirma kahapon na muling nagpositibo sa COVID-19 si Roque, gayunman patuloy pa rin ang pagtatrabaho niya bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Sabi pa niya sa kanyang post, “I am better after only one vial of remdesivir and steroids. I came in at the right time since pneumonia was caught early on. Doctors won’t discharge me though until 4 more vials of remdesivir which means I will be confined until Thursday.”
Mula sa ospital ay maayos niyang naiparating sa publiko ang bagong quarantine classifications sa NCR Plus at iba pang lugar, kung saan simula bukas hanggang sa April 30 ay isasailalim na ang mga ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Comments