top of page
Search

RONNIE AT LOISA, NAGSALITA NA SA SEX VIDEO SA CELLPHONE NILANG NANAKAW

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 11, 2022


Binasag ng magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang pananahimik sa nangyaring nakawan sa sasakyan nila habang nakaparada sa harap ng kanilang coffee shop sa Molino Road, Bgy. Molino 3 sa Bacoor City, Cavite noong Nobyembre 30, Miyerkules.


Nanakawan na nga, iniintriga pa sina Loisa at Ronnie na may nakuha diumanong sex video nila sa cellphone na ninakaw sa kanila.


“Wala po,” nagulat na sagot ng dalawa.


“Nakakatawa ang mga Pinoy talaga. Pinoy nga talaga tayo,” sabay tawa ni Ronnie.


Segunda ni Loisa, “Wala. Dapat walang ganu'n.”


Idinetalye nila sa amin ang pangyayaring nakawan sa harap ng coffee shop nila sa Bacoor City.


Simula ni Ronnie, “Bale galing kami sa isang ganap, tapos dumaan kami sa cafe namin, tutal naman 'yun na 'yung way namin, malapit lang, eh.


“Parang dumating kami (nang) 8 PM, pasara na 'yung cafe. Tapos balak namin, mag-picture lang ng mga products, mga food, para may mai-post kami sa social media. And umalis na kami kaagad, siguro mga 9 PM.


“Saktung-sakto, papasara na 'yung café. Pagbaba namin, basag na 'yung sasakyan. And ang nakakatakot pa ru'n is tumambay ako sa terrace sa may labas. May terrace ru'n, eh.”


Nakatitigan pa raw ni Ronnie ‘yung bumasag ng sasakyan nila.


“Nakita ko 'yung mukha. Hindi ko nakitang binasag, eh, kaya nu'ng nagka-police nu'ng lumapit sa amin, hindi ko ma-explain sa kanila kung 'yun ba talaga 'yung bumasag. Na-confirm lang nu'ng ni-review na sa CCTV.


“And hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin nila. Hindi pa nahuhuli. Pero sana, mahuli kasi ayaw namin na may mabiktima pa siyang iba,” lahad ni Ronnie.


Tatlong cellphones nila ang nakuha kung saan sa isa ay nakalagay ang kanilang bank account at ang naipon nila na umabot sa isang bilyong piso!


“Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga rin kaya medyo nakakalungkot din. Ngayon, wala na 'yung na-save namin. More or less, siguro P1 B. 'Pag crypto, mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So, hindi na maibabalik,” malungkot na pahayag ni Ronnie.


Hindi na raw mabubuksan ang crypto account nila at kahit ‘yung mga kumuha ng cellphone nila ay malabong mapakinabangan din ang P1 B savings ng dalawa.


Esplika ni Loisa, “Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya, eh. 'Pag nawala na, kasama na 'yung value. Feeling ko, hindi na nila makukuha kasi may password. Ini-report na namin sa bangko pero 'pag crypto kasi, baka wala na kasi.”


Hanggang alas-tres daw yata nang madaling-araw ay nasa police station sila.


Say pa ni Ronnie, “Hindi pa nahuli pero nag-e-expect pa rin kami. Hoping kami na mahuli 'yung nagbasag nu'ng sasakyan para wala nang mabiktima."


Inamin ni Loisa na na-trauma talaga sila sa nakawang naranasan nila ni Ronnie.


“Ang iniisip na lang namin ni Loisa is nabasag 'yung kotse, tatlong cellphone, napapalitan naman 'yan. Ang importante, kami, safe, walang nasaksak, walang nabaril, walang nasaktan,” diin ni Ronnie.


Feeling ni Loisa, naibenta na ‘yung mga cellphones nila.


Saad ni Loisa, “Naibenta na 'yun feeling ko, kasi na-locate 'yung cellphone namin sa Find My Phone, nandu'n na sa Festival Mall. Tapos ang malala pa, naka-encounter pa ng dalawang kasama namin 'yung dalawang magnanakaw.”


Dagdag ni Ronnie, “Hawak nila ‘yung cellphone ko, tapos tumutunog na sa Find My iPhone, tapos nandu'n na sa tindahan nu'ng mall. Nandu'n 'yung dalawang lalaki, nakatayo. Hindi nila naano kasi natakot pa rin. Wala silang kasamang pulis. Dumating 'yung pulis after three hours.”


Ayon kay Loisa, “Wala silang kasamang pulis din. May pulis du'n pero hindi raw sila pinapansin kasi hindi raw nila kaso. Parang may mga ganyan.”


Part na raw kasi ng Alabang ang area na ‘yun kaya ayaw nang asikasuhin ng mga pulis.


“Wala na, naibenta na 'yun. May nakabili na (laughs). Pero okay lang, safe na. Huwag na lang maulit,” dasal ni Loisa.


Hindi naman napigilan ni Ronnie ang maglabas ng disappointment sa aksiyon na ginawa ng pulis sa nakawang nangyari sa kanila sa Bacoor City.


“Kung tutuusin, nakakalungkot lang din, kasi celebrity na kami, kumilos naman sila, pa'no pa kaya kung mga normal na tao?


“So, medyo nakakalungkot lang kaya hoping pa rin kami na mahuli agad para wala nang ibang mabiktima. Kasi kinabukasan na nangyari sa basag-kotse namin is may binasagan ulit sila. Same sasakyan, same tao (nambasag),” himutok ni Ronnie.


Dahil sa nangyari, naglagay na raw ng CCTV sa building na kinaroroonan ng kanilang coffee shop at mahigpit na security.


“Tapos, kinausap na rin nila kami na 'pag pupunta kami ru'n, may barangay na nandu'n para safe,” pakli pa ni Ronnie.


Nakausap namin sina Loisa at Ronnie sa contract signing nila sa skin expert na si Cathy Valencia na ginanap sa Cathy Valencia Aesthetic Skin Clinic sa Icon Tower sa BGC, Taguig City last Sunday.


Sina Loisa at Ronnie ang pinakabagong celebrity endorsers ng Cathy Valencia Aesthetic Skin Clinic.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page