top of page
Search

Rondina at Pons, champ sa Beach Volleyball

BULGAR

ni MC - @Sports | October 26, 2021





Matapos ang halos dalawang taon, muling nagkampeon ang tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa Beach Volleyball Republic (BVR) on Tour circuit.


Nanatiling unbeaten ang Creamline 1 team nina Rondina at Pons remained sa bisa ng dominanteng 21-10, 21-16 victory laban sa Good Health-CDO nina Babylove Barbon at Gen Eslapor upang masungkit ang first leg championship kahapon sa Santa Ana, Cagayan.


Walang talo ang Cool Smashers sa anim na laro at lahat ng sets ay napagwagian nito.


Ikaapat itong BVR gold ni Rondina, at pangalawa para sa longtime partner na si Pons.


Sila rin ang nagkampeon sa Lianga, Surigao del Sur leg noong Set. 1, 2019 bago natigil ang torneo dahil sa pandemya.


Nakatakda ang 2nd leg sa Huwebes kung saan ay babanat din ang duo. Ang torneo ay bahagi ng paghahanda nila para sa Asian Seniors Beach Volleyball Championship sa Thailand sa Nobyembre. "Kailangan maging focused kami sa mga goals namin," ani Rondina sa awards ceremony.


Samantala, tinalo muna ng tambalang Rondina

at Pons sa 21-10, 21-6 ang PLDT duo nina Ella at Iza Viray sa first leg quarterfinals noong Linggo.


Naiwasan naman nina Creamline 2 team Dij Rodriguez at Dzi Gervacio na masibak sa laro nang makahabol pa mula 11-13 deficit sa third set at talunin ang batang TM crew nina Mer Jauculan at Hannah Cabansay, 18-21, 21-8, 16-14. (JC)


Naunang sumampa sa semis ang Good Health-CDO nina Babylove Barbon at Gen Eslapor nang paganahin ang pagiging beterano kontra Eastern Perlas Spikers nina Mich Morente at Jules Samonte, 21-11, 21-11.


Huling nakakuha ng semis berth ang Biogenic team nina Heather Guino-o at Roma Joy Doromal kontra Sta. Lucia 2 nina Bang Pineda at Chay Troncoso, 18-21, 21-18, 20-18.

Samantala, ang mga refere naman na kuwestiyunable ang officiating kay TNT Brian Heruela sa PBA Game 3 final ay hindi na maaring mag-officiate sa susunod na final games ng liga.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page