top of page

Romualdez, wa’ ibang role kundi tagapuri kay PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 27, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

TAGAPURI BA KAY PBBM ANG ROLE NI SPEAKER ROMUALDEZ SA MARCOS ADMIN? -- Pinuri na naman ni House Speaker Martin Romualdez si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) tungkol sa P20 per kilong bigas na inumpisahang ibenta sa Visayas region.


Iyan naman yata talaga ang role ni Speaker Romualdez sa Marcos administration, ang maging tagapuri kay PBBM, boom!


XXX


MGA KANDIDATONG NAMIMILI NG BOTO, KAPAG HINDI IDINISKUWALIPIKA NG COMELEC, DAPAT GAWIN NG MAMAMAYAN IBASURA SILA SA ELEKSYON -- Napakaraming kandidato ang pinadadalhan ng show cause order ng Comelec dahil sa isyu ng vote-buying.


Sakaling sila ay hindi i-disqualify ng Comelec, ang dapat gawin ng mamamayan ay ibasura na lang sila sa eleksyon.


Kasi kapag nanalo iyang mga namimili ng boto, walang gagawing serbisyo ang mga iyan sa mamamayan, at sa halip ang aatupagin ay bawiin ang ginasta nila sa pamimili ng boto, period!


XXX


UNTI-UNTI NGANG NAWAWALA ANG MGA ONLINE GAMBLING NG POGO, PERO ANG PUMAPALIT NAMAN ONLINE SABONG AT ONLINE SAKLA -- Unti-unting nawawala na ang iba’t ibang online gambling ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), pero ang pumalit naman at parami nang parami sa social media ay online sabong at online sakla.


Dapat magpalabas na rin ng direktiba si PBBM na ipa-stop ang operasyon ng online sabong at online sakla, kasi kung dededmahin lang niya ito ay tiyak malululong sa ganitong uri ng mga online gambling ng mga Pinoy, boom!


XXX


KATATAPOS LANG NG BIGTIME OIL PRICE HIKE, NASUNDAN NA NAMAN NG BAGONG OIL PRICE HIKE -- Inanunsyo ng Dept. of Energy (DOE) na sa April 29, 2025 ay may dagdag na naman daw ang presyo ng mga produktong petrolyo, na ang itataas sa presyo ng gasolina ay P1.40, ang diesel ay P1.00 at ang kerosene ay P0.70.


Hay naku, akala ng publiko matapos ang bigtime oil price hike noong April 22, 2025, ang kasunod ay oil price rollback, hindi pala kasi ang kasunod ay oil price hike na naman, buset!

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page