ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 13, 2025
![Prangkahan ni Pablo Hernandez](https://static.wixstatic.com/media/a09711_f05be13bfab84408bf6c80a7b1779d00~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/a09711_f05be13bfab84408bf6c80a7b1779d00~mv2.jpg)
KAPAG BINILISAN NG KORTE ANG PAGRESOLBA SA KASO BAKA MAS MAUNA PANG MAPATAWAN NG GUILTY SI ROMUALDEZ KESA SI VP SARA -- Matapos sampahan ng grupo ni Davao Del Norte Rep., former Speaker Pantaleon Alvarez ng mga graft and criminal cases noong Feb. 10, 2025 sina Speaker Martin Romualdez, House Majority Floor Leader Mannix Dalipe at Ako Bicol partylist Rep., former chairman, House Committee on Appropriations Zaldy Co kaugnay sa P241 billion insertion sa 2025 General Appropriations Act (GAA), ay inanunsyo naman ni Senate President Chiz Escudero na after ng State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa July 2025 pa uumpisahan ng Senado na tatayong impeachment trial, ang impeachment cases laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.
Kaya kapag binilisan ng korte ang pagresolba sa kaso nina Romualdez, Dalipe at Co, at may makitang sapat na ebidensya ay baka mauna pa silang hatulan ng guilty ng hukuman kaysa kay VP Sara kasi nga, ang tagal pa, sa July 2025 pa didinggin ng impeachment court ang impeachment cases ng bise presidente, boom!
XXX
MAY BAHID PULITIKA ANG ISINAMPANG KASONG GRAFT AND CRIMINAL CASES KAY SPEAKER ROMUALDEZ AT IBA PA AT IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Ayon kay Cong. Dalipe, pamumulitika lang daw ang isinampang mga kaso sa kanila ng kampo ni ex-P-Duterte.
Totoo naman iyan, may bahid pamumulitika talaga, at kahit ‘yung mga impeachment case kay VP Sara, may bahid pamumulitika rin ‘yun kasi nga ang nag-aprub para ma-impeach ang bise presidente ay mga pulitikong kaalyado ni PBBM, period!
XXX
LAGOT SI VP SARA, KAKASUHAN NA SIYA NG INCITING TO SEDITION AT GRAVE THREATS -- Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Dept. of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong inciting to sedition at grave threats si VP Sara kaugnay sa pagbabanta nitong assassination laban kina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Romualdez.
Hala, lagot si VP Sara.
Kung bakit naman kasi hindi nakontrol ni VP Sara ang kanyang sarili sa galit at ibinidyo pa ang pagbabanta sa buhay nina PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez, kaya ‘yan tuloy nangyari, sasampahan na siya ng mga kasong kriminal, boom!
XXX
WALA BA SA KANYANG SARILI SI VP SARA NANG PAGBANTAAN NIYA ANG BUHAY NINA PBBM, FL LIZA AT SPEAKER ROMUALDEZ? -- Sa mga interbyu kay VP Sara ay madalas niyang sabihing wala raw siyang ginagawang pagbabanta sa buhay nina PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez.
Kaya’t ang tanong: Wala ba sa kanyang sarili si VP Sara nang pagbantaan niya ang buhay nina PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez? Kasi sa totoo lang, pinagbantaan niya talaga ang buhay ng tatlo at ang pagbabanta ay napanood ng sambayanang Pinoy at ng mundo kaya nga ito ay naibalita ng local at international media, period!