top of page
Search
  • BULGAR

ROMMEL, WISH NA MAGKABALIKAN SINA DANIEL AT KATHRYN

ni Nitz Miralles @Bida | May 11, 2024



Photo
File photo: Rommel Padilla, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

May pahayag si Rommel Padilla sa breakup ng anak niyang si Daniel Padilla at ni Kathryn Bernardo sa interview ng Stars Photography. Nabanggit nitong ikinalungkot niya ang paghihiwalay ng dalawa.


“Talagang nangyayari ‘yan, eh. Dumarating ‘yung puntong nagkakasubukan. Pero, para sa akin, ako, I still pray na sana, dumating ‘yung panahon na magkita sila ulit, magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yung inilaan nila sa pagmamahalan nila. Ipinagdarasal ko, sana, manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan, lahat kaming Padilla, hindi lang ako ang nalungkot,” ani Rommel.


“Magmuni-muni muna sila at timbangin nila ‘yung kanilang naging pagmamahalan. Dapat pa ba silang magbalikan? Ito ‘yung time na ‘yun na makikita nila kung puwede pang maging sila sa mga darating na araw,” dagdag ni Rommel.


May mga nag-agree kay Rommel na mag-usap sina Daniel at Kathryn at baka nga magkabalikan. Kaya lang, ang mga fans ni Kathryn ang ayaw nang magkabalikan pa ang dalawa. Masaya naman na raw ang dalawa na hiwalay sila at naka-move on na.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page