ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 31, 2020
Maaaring magdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Rolly na pinakamalakas na bagyo ngayong 2020 at maaari umano itong maging super typhoon ngayong Sabado ng gabi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pahayag ni NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, "We foresee widespread damage... even if [Rolly] does not become a super typhoon. If it is just typhoon level it means we will reach typhoon Signal No. 4 and will have wind speeds of 171 to 220 kilometers per hour."
Aniya, "heavy to very heavy damages" ang inaasahan lalo na sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.
Ngayong Sabado ng hapon, ayon sa PAGASA, ang mata ng Bagyong Rolly ay dadaan sa Catanduanes at sa Camarines bukas nang umaga.
Dadaan din umano ang naturang bagyo sa Quezon at southern part ng Aurora sa hapon.
Saad ng PAGASA, "After crossing the Southern Luzon - Metro Manila area, the center of 'ROLLY' is forecast to exit the mainland Luzon landmass on Monday morning.”
Ayon sa Agence France-Presse, inilikas na ang mahigit 200,000 katao na residente ng mga lugar na dadaanan ng Bagyong Rolly. Inaasahang tatama sa mga naturang lugar ang bagyo na may hanging aabot sa 185 hanggang 205 kph.
Sa tulong ng local government units, binabantayan at inihahanda ng NDRRMC ang mga evacuation centers.
Ayon kay Jalad, ang ibang evacuation center ay ginagamit bilang isolation center dahil sa COVID-19 pandemic kaya ang mga paaralan ang pansamantalang gagamiting emergency shelters.
Comentarios