top of page
Search

ROCCO, TAKOT NA TAKOT NANG MUNTIK MAHULOG SA LAMESA ANG 10-MONTH-OLD BABY

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 8, 2023




Ikinuwento ni Rocco Nacino ang naramdamang takot nang malaglag mula sa lamesa ang 10-month-old baby nila ni Melissa Gohing na si EZ.


Ayon kay Rocco, hawak-hawak niya ang anak pero nang sandaling mawaglit ang kanyang atensiyon ay nahulog na agad ang bata.


“So, I just had my first scare of my life,” simula ni Rocco sa video na ipinost sa Instagram.


“Just a few minutes ago, hawak-hawak ko si EZ dito sa table na ito. I reached over para patayin ‘yung isang lamok. Sa isang iglap, EZ chose to lean over to the side, dito sa edge.


Nalaglag siya. Pero nasalo ko ‘yung paa ni EZ,” kuwento ng aktor.


Sa hulihan ng video ay mapapanood ang CCTV footage kung saan ay makikitang nahulog si EZ mula sa mataas na lamesa na nauuna ang ulo at mabuti na lang, nahagip agad ni Rocco ang paa ng bata kaya hindi ito natuluyang malaglag sa sahig.


Kaya naman, abut-abot ang paalala ni Rocco sa mga magulang din na tulad niya.


“Reaching out to the new parents out there, as they grow bigger, older, lalo ring lumalaki ‘yung dangers that come along the way,” aniya.


“Thinking about it, kapag hindi ko siya nasalo, ahhh, huhu (sabay-yakap kay EZ), baka naospital pa kami,” patuloy niya.


Kaya payo niya sa mga magulang, laging bantayan ang kanilang baby.


“Don’t make the mistake I did. Be safe,” paalala pa niya.


Ngayon daw ay plano niyang ipa-baby proof ang kanilang bahay.


“Now I really have to babyproof the whole house to ensure a safe, playable environment,” aniya.


Sa comment section ay sumagot ang misis niyang si Melissa Gohing na wala pala sa bahay nang mangyari iyon.


“Huhuhu, ‘pag nandiyan ako, iiyak ako. God is good nothing (happened),” sey ni Melissa.


Maging ang mga netizens ay labis na kinabahan dahil sa muntik nang pagkakahulog sa lamesa ng anak nina Rocco at Melissa.


“Mabuti at mabilis ang mga reflexes mo. But as a parent, I truly empathize. As our kids grow older, marami pang darating na close calls bumps and bruises.”


“Yes po, habang lumalaki sila is dapat 3x or 10x na tayong mas alerto. Kasi kahit isang segundo lang, puwede silang mahulog, madapa at masaktan. I salute you po for being a very hands-on dad!”


“Don’t feel guilty po, normal naman po sa stage nila ‘yan at sa ating parents. At the end of the day, lagi po tayong mag-doble-ingat.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page