ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 21, 2025
Viral ang video ni Sen. Robinhood Padilla na hinalikan ang kababayang Pinay habang nasa The Netherlands.
Isang DDS (diehard Duterte supporter) na OFW daw ‘yung Pinay na hinalikan ni Sen. Robin base sa video na kumalat sa X kahapon.
Caption ng X post, “TAGAPAGMULAT (Philippine flag and fist emoji) @tagapagmulat. IN HEAT YARN? Sobrang lamig daw sa Netherlands kaya hindi napigilan ni Robin ang ‘in heat’ ng katawan.”
Siyempre, una agad naisip ng mga netizens ay ang misis ni Sen. Robin na si Mariel Rodriguez.
“Grabe, paano kinakaya and tinitiis ni Mariel ‘yan?”
“@marielpadilla Naku! Naisahan ka na naman. Hahaha!”
“Ano kaya’ng feeling ni Mariel? (skull emoji).”
“Naaalala ko na naman sinabi ni Mariel na Robin is trying so hard daw para maging loyal ba ‘yun sa kanya. HAHAHAHAHAHA hirap na hirap ang asawa makuntento sa isa, ‘teh?”
Sa isang interbyu ni Sen. Robin, nabanggit niya na mag-i-stay pa siya sa Netherlands ng 2 linggo.
Pero sa Netherlands na rin inabot ng Ramadan si Sen. Robin, kaya inakala ng mga netizens na nag-o-observe doon ng Ramadan ang senador.
Sey ng mga netizens, “AKALA KO BA, RAMADAN?”
“‘Di ba, balik-Islam ‘yan? Ramadan ngayon, ah (laughing emoji).”
“Puwede ang ganyan sa Ramadan?”
Ganern?!
TRUE pala ang kuwento sa amin ni Ara Mina tungkol kay ‘Ate Sarah’, ang businesswoman na si Sarah Discaya, na very generous ang puso sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na kababayan natin sa Pasig City.
Personal naming nasaksihan kung paano naging “Little Pasig City Hall” ang grandiyosong building ng opisina ni Ate Sarah sa kanyang business na St. Gerard Construction.
Kahit marami ang tao, maayos na naa-assist ng staff ni Ate Sarah ang mga Pasigueños na humihingi ng tulong sa kanya. Kaya pati si Ara ay nakumbinse na ring tumakbo bilang konsehal sa District 2 ng Pasig City para makapagbigay ng tulong.
Pagbubulgar ni Ara, “Hindi ko na dadayain ‘yung edad ko, I’m already 45 and I want to help more people, para lalong maraming matulungan.
“And ‘yun nga, lagi tayong nagbo-volunteer and sumasali, nakiki-cooperate sa mga foundations. Nakasama na rin ako sa St. Gerard Foundation and doon kami nagkakilala ni Ate Sarah.”
Sa totoo lang, hindi na kailangan ni Ara na pasukin pa ang pulitika. Bising-busy siya sa kanyang showbiz career and at the same time, may sarili rin silang business na inaasikaso ng mister niyang si Dave Almarinez. And through that, nakakatulong na rin naman siya sa maraming tao.
Pero katwiran ni Ara, “‘Pag pinasok mo na ‘yung public service, parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at saka power to help people.”
Wala kaming masyadong alam sa background ni ‘Ate Sarah’ at du’n lang sa get-together nila ni Ara namin nalaman na may tatlong anak na siya at taal na taga-Bamban, Pasig City. Dating kagawad ang kanyang ama na may construction business.
Born and raised in UK si Ate Sarah. Bumalik siya ng Pilipinas at dito nag-aral ng high school hanggang college.
Sa ngayon, ramdam ni Ate Sarah na ang kailangang bigyan ng pansin sa Pasig ay ang health care ng mga tao.