top of page
Search
  • BULGAR

ROBIN, NA-HIGH BLOOD NANG MAKITANG NAKA-BRA LANG SI KYLIE SA SERYE

ni Nitz Miralles @Bida | March 3, 2023




Naaliw kami sa nabasang reaction ni Sen. Robin Padilla sa mga naunang eksena ng anak na si Kylie Padilla sa Mga Lihim ni Urduja. Hindi ‘yung action at fight scenes ni Kylie ang umagaw ng atensiyon ni Robin kundi ‘yung nagbibihis ang anak.


“Mahihimatay pala ako dito," sabi ni Robin sa reaction video. “Ano ba ‘yang mga shots na ‘yan?"


Ang tinukoy na shot ni Robin ay ‘yung inaayos ni Kylie ang kanyang bra at nagsuot ng pants.


"Inom muna tayo ng pampababa ng high blood pressure,” patuloy ni Robin sabay kuha ng medicine for high blood pressure sa kanyang bag.


“Sabi ko, paglabas ni Kylie, papalakpak ako nang malakas. Muntik pala akong nahimatay doon sa una," sabi ni Robin.


Kahit shocked sa eksena ni Kylie fixing her bra, ipinagmalaki ni Robin ang performance ng anak sa isang linggong pag-ere ng Mga Lihim ni Urduja.


Parang kakailanganin ni Robin na uminom ng maintenance medicine kapag pinanood ang series ng anak. Hahaha!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page