ni Clyde Mariano @Sports | March 3, 2023
Sinagasaan ng NLEX Road Warriors ang Terrafirma Dyip, 142-125, at pormal na inangkin ang pangatlong quarterfinal seat at sumama sa sister team at league leading Talk ‘N Text at San Miguel Beer sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang pinaka lopsided na panalo ng NLEX sa siyam na laro at ipinakita ng Road Warriors ang kanilang malakas na determinasyon ba masungkit ang unang PBA title sa kamay ni coach Frankie Lim na pumalit kay long time coach Yeng Guiao na lumipat sa dati niyang koponang Rain or Shine na binigyan niya ng PBA title.
Ang 142 points ang pinakamataas at ang 267 combined output ang pinakamataas sa on-going Governors Cup. Hindi makawala ang NLEX sa unang 24 minutes at nagawang lumayo sa second half nang pinaulanan ang Terrafirma ng mga tirada mula sa gilid na ikinalungkot ni coach Johnedel Cardel.
Tinalo ng NLEX ang Terrafirma ng dalawang beses, 105-102, at 116-86, at muling pinanindigan ng Road Warriors ang pagdomina sa Car Makers.
“They played well balanced game offensively and defensively. They’re really determined to win. I’m elated to their game. Hopefully, they sustain their in the next round,” sabi ni coach Frankie Lim.
Pinamunuan ni import Wayne Selden ang mainit na opensiba ng NLEX kasama si Kevin Alas, Don Trollano at Anthony Semerad.
Tinalo ni Selden si Jordan Williams sa match up. Pinalitan ni Selden si NBA veteran Jonathan Simmons at matagumpay na dinala ang NLEX sa quarterfinals at hindi nagkamali si coach Lim sa pagkuha sa kanya bilang bagong import.
Comments