ni Lolet Abania | April 1, 2022
Magsasagawa sa ilang lugar sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repairs simula alas-11:00 ng gabi ngayong Biyernes, Abril 1, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Batay sa MMDA, ang mga apektadong lugar ay:
EDSA- NORTHBOUND:
• EDSA cor. Panay Ave. hanggang Mother Ignacia (unang kanto mula sa bangketa)
• EDSA malapit sa Quirino Highway Exit
• EDSA - Quezon City, bago at matapos ang Gate 3 (ikatlong kanto mula sa MRT lane)
• Main Avenue hanggang P. Tuazon Flyover (ikalawang lane mula sa bangketa)
• EDSA Main Avenue matapos ang P. Tuazon hanggang Aurora Boulevard
• EDSA Pasay City innermost lane (bus way), sa P. Santos St. patungong EDSA - Evangelista footbridge.
EDSA-SOUTHBOUND:
EDSA Caloocan sa harap ng A. De Jesus St. (ikalimang lane mula sa bangketa)
C5 at ilan pang kalsada:
• Timog Ave. Boy Scout Rotunda (una at ikalawang lane mula sa driveway)
• C5 Road (Ugong Norte Southbound)
• C5 Road (Bagumbayan Southbound)
• C5 Road (Ugong Southbound)
• C5 service road (Bagong Ilog Southbound)
• C.P. Garcia Ave. bago mag-Katipunan Ave. (ikalawang lane mula sa bangketa)
• C5 Northbound (inner lane), Makati City
Gagawin ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga kalsada na tatagal hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Abril 4.
Pinayuhan naman ng MMDA, ang lahat ng mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta upang hindi na maabala pa sa matinding trapiko.
Comentários