ni Lolet Abania | June 27, 2022
Sinimulan na ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng road closures nitong Linggo ng gabi bilang bahagi ng security measures para sa June 30 inauguration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ulat ngayong Lunes, alas-11:00 ng Linggo ng gabi, Hunyo 26, inumpisahan nang isara ang mga sumusunod na kalsada sa paligid ng National Museum sa Maynila sa mga motorista:
• Padre Burgos Avenue
• Finance Road
• Maria Orosa St. mula TM Kalaw hanggang Padre Burgos General Luna St., mula Padre Burgos-Muralla St.
Sarado ang mga nabanggit na kalsada sa trapiko hanggang alas-11:00 ng gabi ng Hunyo 30, ang nakatakdang araw ng panunumpa ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa National Museum.
Ang mga sumusunod na kalsada sa Maynila na isasara mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-11:00 ng gabi sa Hunyo 30:
• Ayala Boulevard
• Victoria Street mula Taft Avenue hanggang Muralla Street
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong motorista ay maaaring dumaan sa mga sumusunod na ruta:
Mula Roxas Boulevard northbound:
• Turn right sa UN Avenue o TM Kalaw Avenue
• Turn left sa Taft Avenue
Mula Roxas Boulevard eastbound:
• Left sa TM Kalaw o UN Avenue
• Right sa Taft Avenue
Ang mga sumusunod na kalsada naman na malapit sa Malacañang at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ay isasara rin sa mga motorista sa sumusunod na mga petsa:
• Mendiola Street: Hunyo 29, 12:01AM, hanggang Hunyo 30, 11PM
• Jalandoni St., PICC, Pasay City: Hunyo 30, 4AM-11PM
• Legarda Street mula San Rafael hanggang Figueras St., Manila: Hunyo 30, 1-11PM
Ayon sa MMDA, magde-deploy sila ng 2,000 personnel upang magmando sa trapiko sa Hunyo 30.
Bukod sa mga MMDA traffic enforcers, ang mga personnel mula sa Manila Police District (MPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), City Government ng Manila, at ang Presidential Security Group (PSG) ay itatalaga rin sa parehong araw upang tiyakin ang security, peace, and order sa nasabing okasyon.
Samantala, ang National Museum ay sarado sa publiko hanggang Hulyo 5.
Ayon naman sa NCRPO, ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drones mula sa loob ng one-kilometer radius ng National Museum.
Comments