top of page
Search
BULGAR

Rigodong rematch nina Donaire, Rodriguez at Gaballo sa U.S.

ni Gerard Peter - @Sports | January 28, 2021




Pagpapatunay o Pagtatama? Pagpapanatili o Pagbabalik? Ito ang mga salitang kailangang hanapan ng solusyon ng apat na magkakaibang boksingerong may kinalaman sa isa’t isa.


Inatasan ng World Boxing Council (WBC) na magkaroon ng rematch sa pagitan nina interim bantamweight champion Reymart “Assassin” Gaballo at dating 118-pound titlist Emmanuel “Manny” Rodriguez ng Puerto Rico kasunod ng kontrobersyal 12-round split decision na ibinigay sa undefeated Filipino noong Disyembre 19, 2020 sa Connecticut, U.S.A.


Isang pagkakataon upang mapatunayan na karapat-dapat para sa 24-anyos mula Polomolok, South Cotabato-native ang nakuhang panalo, habang ang kagustuhang maitama ang pagkakamali umano ng dalawang huradong sina John Mackie at Don Trella na nagbigay ng 115-113 at 116-112 na iskor pabor kay Gaballo (24-0, 20KOs).


Nauna ng hiniling ng kampo ni Rodriguez (19-2, 12KOs) sa Mexico City-based group na muling pahintulutang maulit ang tapatang sa mga mata at pananaw ng Puerto Rican ay siguradong nanaig ito laban sa unbeaten Pinoy champ at malaki ang paniniwalang mula sa unang pitong rounds ay kanyang nakuha, habang naibulsa rin nito ang 9-12 rounds. “After a formal appeal was received by the WBC a committee of ring officials completed a thorough analysis and review of the match, resulting in the order of free negotiations for an immediate rematch between Gaballo and Rodríguez,” saad ng WBC sa inilabas na anunsyo nitong Lunes.


Binibigyan ng 30-araw ang dalawang panig para mag-usap sa mga itatakda para sa laban upang maiwasan ang ‘purse bid hearing.’


Pag-uusapan pa lang namin ‘yung mga dapat gawin tungkol dito,” wika ni Sanman Promotions CEO JC Manangquil sa panayam ng Bulgar sa online interview.


Ang may tunay na nagmamay-ari naman ng titulo ng WBC bantamweight title na si Nordine Oubaali (17-0, 12KOs) ng France ay nahaharap naman sa responsibilidad na panatilihin ang kanyang titulo laban sa mandatory challenger na si four-division World titlist “Filipino Flash” Nonito Donaire Jr. na umaasang makakabalik sa rurok ng tagumpay sakaling maagaw ang kampeonato para sa kanilang title match na itinakda ng WBC sa Marso sa hindi pa nabanggit na eksaktong petsa at lugar.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page