Richard at JK, to the rescue, damay… DANIEL AT KYLE, MUNTIK MAGSUNTUKAN SA ABS-CBN BALL DAHIL KAY KATHRYN
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 7, 2025
Rambulan sa ABS-CBN Ball 2025 ang pinagpiyestahan ng mga netizens sa social media. Gaya ng mga nakaraang ABS-CBN Ball, may tsika na nagkaroon ulit ng “kaguluhan” among the Kapamilya stars.
Involved daw sa “rambulan” ang “senior stars and Senior High (SH)”.
Ang tinutukoy ng mga netizens sa X (dating Twitter) ay sina Richard Gutierrez-Daniel Padilla at ang male actors ng seryeng SH na sina JK Labajo at Kyle Echarri.
Ayon sa naka-post sa X, “Ganap sa Star Magic Ball kagabi, muntik magsuntukan sina Kyle Echarri at Daniel. Dahil sa sobrang lasing ni Kyle, medyo bastos na ang hawak at yakap niya kay Kathryn, kaya si Daniel, galit na ipinatanggal ang kamay at pagkakayakap nito kay Kath.
“To the rescue naman si JK Labajo sa kanyang kaibigan na si Kyle while to the rescue din si Richard Gutierrez na kasama ni Daniel sa kanyang teleserye! Ganda ni Kath. Hehehe!”
May kumalat din na video sa social media na magkakasama at magkakasunod na lumabas sa pinto sina JK (katabi si Belle Mariano), Donny Pangilinan, Kathryn Bernardo (na hawak-kamay ni Kyle) at Piolo Pascual.
Sa video ay maririnig na sinabi ni Kathryn ang mga salitang “Tama na!”
Kasunod nito ang malakas na tapik sa balikat ni Kyle mula kay Piolo.
May video rin na humahangos na paalis sa event ang magka-holding hands na sina Kathryn at Kyle, habang nasa kabilang side ni Kathryn si Dolly de Leon na nakasama niya sa pelikulang A Very Good Girl (AVGG).
Dahil dito, pinasalamatan ng mga fans ni Kathryn sina Dolly at Kyle:
“Thank you Kyle, Papa P, Ms. Dolly, JK, and DonBelle, sobrang thank you talaga. Buti nandu’n kayo (crying emoji).”
Sey naman ng mga fans ni Kyle, “Kyle Echarri is the kind of friend who is nice, supportive, protective, and a true gentleman, always looking out for those he cares about (smile emoji) @kyle_echarri.”
“Parang sa isip ni Kyle, ako bahala sa ‘yo, Queen Kath. Walang makakadikit sa ‘yo na halimaw sa paligid-ligid. Thank you, Kyle, sa pagbantay ng aming Queen.”
On the other hand, may nag-post sa X bilang depensa kay Daniel. Masaya raw na nagtatawanan si Daniel kasama ang kanyang ina at pamilya sa isang table.
Sey ng isang fan ni Daniel, “Mataas respeto n’ya sa mama n’ya. He wouldn’t do such drastic things knowing na kasama n’ya ang mama at kapatid niya. Kayo kasi, puro gulo lang hanap. Akala n’yo ata, sa inyo lang naikot ang mundo.”
So, there.
KINABOG ng power couple na sina Coco Martin at Julia Montes ang iba pang Kapamilya celebrities nu’ng dumating sila sa Solaire Resort North para sa ABS-CBN Ball last Friday.
Dumating sina Coco at Julia sa venue gamit ang mamahaling Tesla Cybertruck.
Siyempre, kuda agad ng marami ay pag-aari ng bida, direktor at producer ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) at FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na si Coco ang sikat na kotse na ibinebenta ng bilyonaryong si Elon Musk.
Hawig ng Tesla Cybertruck ang nag-viral din sa social media na sinakyan ng It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda when he had a show sa US.
Sa US lang nabibili at hindi pa available sa Pilipinas ang Tesla Cybertruck. Kaya kung bibilhin mula sa Amerika papunta ng Pilipinas, maaari raw umabot sa P18 million ang halaga ng Tesla Cybertruck.
Knowing Coco, if true na sa kanya ang Tesla Cybertruck, isa lamang ito sa mga super high-end cars ng aktor.