top of page
Search
  • BULGAR

Richard, alam na this! SARAH, NAGPAGUPIT NG BUHOK

ni Nitz Miralles @Bida | November 24, 2023




Maingay agad ang new hairstyle reveal ni Sarah Lahbati na kung saan ipinaputol ang long hair into short hair. Hindi na rin blonde ang hair ni Sarah kundi ash brown na at kami lang ba ang nanibago sa kanyang looks?


In fairness kay Sarah, mula sa balitang wala siya sa binyag ng anak ni Rocky Gutierrez na pamangkin ni Richard Gutierrez, may kasunod agad siyang balita na marami ang nag-react. I’m sure marami ang gustong malaman kung bakit siya nagpagupit at hintayin natin ang kanyang sagot.


Also, binago rin ni Sarah ang nakasulat sa kanyang Digital Picture o DP sa Instagram, dahil sa halip na full name niyang “Sarah Lahbati Gutierrez,” ngayon ay “SLG” na initial na lang ng name niya.


Sa isa niyang event, “Casa Selma x Sarah Lahbati Gutierrez” pa rin ang nakasulat na ikinatuwa ng mga fans nila ni Richard.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page