top of page
Search
BULGAR

Rich kid daw talaga… HEART, PINAGPIYESTAHAN NA NAMAN DAHIL SA P300 NA BAON NU'NG BATA PA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 10, 2023



Viral na naman ngayon si Heart Evangelista dahil sa kanyang video na ikinukuwento ang kanyang school days.


Sa video ay mapapanood na tinanong ang aktres sa isang Q&A kung magkano ang baon niya sa school noong nag-aaral siya.


Aniya, noong nag-aaral siya sa States ay may mga lunch card ang mga students.


Matatandaang sa US nanirahan ang aktres noong bata pa siya at bumalik lang sa Pilipinas noong teen-ager na.


Nu'ng nag-aaral na siya rito sa 'Pinas, ani Heart ay P300.00 ang kanyang baon na of course, that time ay malaki na.


“Here in the Philippines, I would have about P300, but because that was my food in the school was a little bit expensive at that time,” kuwento ng fashion icon.


Pero lagi pa rin daw nauubos ang pera niya, hindi sa pagkain kundi sa mga kung anik-anik na stuff.


“Ang totoong reason kung bakit nauubos ang pera ko sa school kasi, ako ‘yung laman ng book store. Bili ako nang bili ng mga sketch pad, mga stationary, ‘yung mga ballpen, ‘yung mababango rin ‘yung mga eraser, ‘yung mga ganyan. Saka pilot ballpen na purple. So, du’n lagi nauubos ‘yung pera ko sa school,” tsika niya.


Kaya ang ending, dahil wala na siyang pera, inililibre siya lagi ng kanyang male classmate na tanda pa niya ang name, huh!


Sa comment section ay nagkomento ang isang netizen na napakalaki raw ng baon ni Heart dahil siya raw ay P20 lang that time.


“Let's say, Grade 6 ka nu'ng year 1997 and you have P300 baon??!! OMG!” sey pa ng isang netizen.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page