top of page
Search

Magaling daw humawak ng pera… RHIAN, PAKAKASALAN NA NI SAM AFTER ELECTION

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 15, 2025



Photo: Sam at Rhian - IG

 

Inamin ng isa sa big bosses ng Frontrow at Manila mayoralty candidate na si Sam Verzosa na noong una ay tutol na tutol ang girlfriend niyang si Rhian Ramos na pumasok siya sa pulitika.


Kuwento niya nang makatsikahan namin sila ni RS Francisco na isa pang big boss ng Frontrow nitong nakaraang Miyerkules, noong tumakbo raw siyang representative ng Tutok To Win (TTW) Partylist ay nakipag-break pa sa kanya si Rhian dahil ayaw nito na pasukin niya ang mundo ng pulitika.


That time, ni hindi nga raw siya makapag-post ng kanyang kandidatura or anything na tungkol sa pagtakbo niya dahil alam niyang magagalit ito.


Pero later on ay nakita na rin daw ni Rhian na passion niya talaga na makatulong sa kapwa.


Maging si RS ay aminadong ayaw na ayaw din niyang pumasok sa pulitika ang kanyang business partner. Pero tulad ni Rhian ay nakita rin daw niya na talagang sincere si Sam sa pagtulong kaya ngayon ay all-out na ang kanyang support dito.


Anyway, nabanggit din ni Sam na si Rhian na talaga ang babaeng ihahatid niya sa altar. In fact, mukhang nakaplano na ang kanyang proposal na gagawin.


“Malapit na. Tapusin ko lang ‘yung eleksiyon. Siyempre, ayaw nating maging traditional politician na ginagamit ‘yung showbiz para lang sa eleksiyon. Hindi po tayo ganu’n at meron po tayong integridad,” aniya.


Ang pagiging simple raw ng aktres ang isa sa mga nagustuhan niya rito.

“Alam n’yo, kung makikilala n’yo s’ya, ‘di s’ya ma-designer na bags, clothes. May mga matagal na sa showbiz, ‘di nakapag-ipon dahil nauna ‘yung mga luho. 


“Si Rhian, kaya pala nakapag-ipon siya, nakapag-invest siya in life, nahawakan nang maayos ang pera n’ya. Napakasinop n’ya sa pera, sa gamit. Kaya nga ako, ang laki ng impluwensiya n’ya sa ‘kin. Mas naging simple ako dahil sa kanya,” papuri ni SV sa GF.


Samantala, ngayong araw, March 15 ay nakatakdang magbigay ng malaking announcement sina Sam at RS tungkol sa pagkakatigil ng flagship product nilang Luxxe White.


Hanggang ngayong araw na lang din mabibili sa Frontrow International ang Luxxe White line at kasabay nito ay bibigyan nila ng linaw ang lahat ng mga tanong para naman din sa mga taong matagal nang tumatangkilik ng kanilang produkto, gayundin sa kanilang distributors.


“Napuyat kami kagabi kakaisip kung ano’ng gagawin namin, gusto namin by Saturday, meron nang sagot,” ani Sam.


 

MUKHANG susubukin ang katatagan ni David Licauco bilang si Deacon Sam sa upcoming film ng GMA Pictures na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM).


Sa teaser trailer na ipinalabas kamakailan, makikita ang karakter ni David na mapapadpad sa Santo Cristo, kung saan may isang lugar na kung tawagin ay Kalye Makasalanan. Dito, tila nagtipun-tipon ang mga tukso sa buhay ng tao. 


Siyempre pa, excited na ang mga fans ni David na muli siyang mapanood, at sa isang pelikula pa ulit. 


Say nga ng isang fan, “OMG! (Oh, my God) Deacon Sam! Hindi ko palalampasin ang movie mo!”


Pinusuan din ng mga netizens si Sanya Lopez na handang-handa na para sa summer sa kanyang swimsuit scene.


Bukod pa nga raw sa entertainment bilang comedy film ito ay tiyak na marami pang ibang handog ang pelikula sa bawat manonood, lalo pa’t makakasama rin ang iba pang mahuhusay na artista sa industriya tulad na lang ni Joel Torre, kasama pa sina Betong Sumaya, Soliman Cruz, Jun Sabayton, atbp..


Ipapalabas ang Samahan ng mga Makasalanan this April 19 sa cinemas nationwide.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page