top of page
Search
  • BULGAR

RHIAN, NI-LIP SYNC ANG HIRIT NI VP SARA SA SENADO, NIRESBAKAN

ni Nitz Miralles @Bida  | September 4, 2024



Showbiz News

Galit ang mga supporters ni Vice-President Sara Duterte kay Rhian Ramos dahil sa pagsawsaw daw ng aktres sa isyu. 


Nag-post kasi si Rhian ng ini-lip sync niyang sagot ni VP Sara sa hearing sa Senado kung saan nabanggit ang salitang “Shimenet Like,” na ang ibig sabihin ay “She may not like.”

Dinagdagan pa raw ni Rhian ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag na #ShimenetLike. Para raw pinuna ni Rhian ang accent ni VP Sara, kaya binabakbakan siya ng mga supporters nito. 


Rhian Ramos Shiminet

Hindi yata aware ang Kapuso actress sa reaksiyon, kaya naka-post pa rin ang reels.

Ang tanong ng mga netizens, galit din ba ang mga supporters ni VP Sara sa mga celebrities na nag-comment at nag-like sa post ni Rhian? Marami silang nag-comment at sa mga comments, naaliw sila sa aktres, magaling daw palang mag-lip sync at may sense of humor ito.



May mga nagsabi kay Rhian na tiyak magiging isyu siya dahil sa kanyang ginawa. Totoo nga, may mga isyu na sa kanya. 


Depensa naman ng mga fans ng aktres, katuwaan lang ang pagpo-post ng reels at sana ay walang personalan.


Samantala, pagkatapos ng mahusay na pagganap bilang si Filipina dela Cruz sa Pulang Araw (PA), sa Sang’gre susunod na mapapanood si Rhian. Maganda rin ang role niya rito bilang kakambal ni Solenn Heussaff.


 

SECURE raw si Chloe San Jose sa jowa niyang si Carlos Yulo na hindi siya ipagpapalit kahit sa celebrity crush nitong si Andrea Brillantes (Blythe). Kaya si Chloe pa ang kumuha ng photos nina Carlos at Andrea na ipinost niya sa Instagram (IG).


Sa unang photo, sina Andrea at Carlos lang ang magkasama at may caption na: “Look at my bb @c_edrielzxs w/ bb girl @blythe.” 


Sa isa pang photo, magkakasama na silang tatlo at may caption na: “Goddess @blythe.”

Kahit may mga comments na bagay sina Carlos at Blythe at sila ang bagong love team, hindi patitinag si Chloe. 


May isa pang nag-comment na dapat kabahan na si Chloe San Jose ngayong nakilala na ni Carlos Yulo ang kanyang celebrity crush.


 

NAG-POST na si Kyline Alcantara ng mga photos na nasa New York City (NY) siya, pero solo picture pa lang niya, wala pang picture with her mom na sabi nito, kasama niya sa NY. 


Well, kasama rin daw ni Kyline at ng kanyang mom na lumipad ang rumored boyfriend nitong si Kobe Paras. Si Kobe raw ang kumuha ng photos ni Kyline, kaya glowing at blooming siya at lumabas ang tunay na ganda dahil walang make-up. 


Hindi nabanggit ni Kyline na makakasama nila sa NY si Kobe. Ang mga fans na ang nag-assume na magkasama ang dalawa. Hindi raw kasi papayag si Kobe na wala siya sa tabi ni Kyline sa birthday nito noong September 3.


Kaya ang mga comments ng mga fans, laging kasama si Kobe. Mag-enjoy daw sila sa kanilang bakasyon, manatiling in love, at kasunod nito ang request na mag-post naman sila ng mga larawan nila para may ayuda ang kanilang mga fans.


Nabanggit ni Kyline na sa Sept. 9, makakabalik na sila mula sa NY, in time para sa premiere ng Shining Inheritance (SI) ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Kate Valdez. Kasama rito sina Wendell Ramos, Paul Salas, Coney Reyes, atbp..

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page