ni Angela Fernando @Entertainment News | Oct. 5, 2024

May pasabog ang aktres na si Rhian Ramos para sa kanyang pinakabagong photoshoot bilang pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan.
Ginulat nga ng aktres ang madlang pipol nang ibalandra niya sa Instagram ang kanyang "birthday suit, birthday shoot" kung saan nag-pose siya na tanging kumot lamang ang tumatakip sa kanyang katawan.
Pagbabahagi ni Rhian, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang makeup para sa photoshoot at sinabi rin niyang isang paraan ito ng pagdiriwang at pagpapahalaga sa kanyang katawan.
“I'm not gonna lie, when I look at the mirror, my mind tells my body all sorts of harsh, mean things. But they say that one day, we'll all reach an age when we'll wish we had our old bodies back. We'll realise we were never as ‘ugly’ as we thought we were," saad niya.
Maraming netizens naman at malalapit na kaibigan ng aktres ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kaarawan nito na hindi rin naiwasang mapansin ang magandang katawan ni Ramos.
Comments