top of page
Search
BULGAR

RFM Corporation, kumita sa panahon ng lockdown

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 1, 2021




Hello, Bulgarians! Masarap malaman na ang mga kumpanya ng pagkain at inumin na pangunahing kailangan natin sa araw-araw ang bibida naman ngayon. Tulad na lamang ng RFM Corporation. Isiniwalat nito na sa paunang data ang RFM’s consumer brand na Selecta Fortified Milk ay mabagal ang paglaki noong 2020, habang ang mga pasta na Fiesta at Royal ay lumago ng 16% at 44%. Ang White King hotcakes at iba pang bowl mixes naman ay nagtaas ng 36% dahil ito ang madalas bilhin at iluto ng mamimili sa kanilang tahanan sa panahon ng lockdown.


“While the 2020 audited financials are still not available, anecdotal evidence points to a better performance in 2020 compared to 2019 in revenues and income. On the one hand, we saw our Selecta Milk, Royal and Fiesta pasta as well as the White King mixes and flour business units take advantage of the pantry loading behavior of the lockdown period. On the other hand, Selecta Ice cream and bread bun revenues were naturally impacted by the pandemic-induced closures of fastfood chains and stores,” pahayag ni Concepcion.


Para sa taong 2021, sinabi ng CEO na ang RFM ay patuloy na nanonood ng mga uso sa sentimyento at income ng mamimili, pati na rin ang kakayahan ng mga darating na bakuna upang maibalik ang normalidad sa ekonomiya at pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Pansamantala, idinagdag ni Concepcion na ang RFM ay magpapatuloy na higpitan ang kontrol sa mga gastos at capex habang ang mga bagay ay mananatiling hindi sigurado.


“We have a strong balance sheet in RFM which supports the continuation of our dividend policy and share buyback programs. While RFM continues to look out for any M&A opportunities to boost shareholder value, the organic growth in milk, ice cream, pasta and mixes will be our growth drivers for 2021,” dagdag ni Concepcion.


Sinabi rin ng CEO na inaprubahan ngayon ng Board of Directors ang cash dividend na Php 350 milyon o Php 0.10387 per share na babayaran ngayong Marso 8, 2021 na may record date hanggang Pebrero 8, 2021. Ang pagdedeklara ng dividend ay isa sa karaniwang ginagawa bawat taon ng kumpanya. Ang kinita ng RFM per share ay lumago mula 14 centavos noong 2017 hanggang 16 centavos noong 2019 at hanggang 21 centavos ng 2020. At sa pagtatapos ng 2020 share price na 4.56 per share, ang dividend na kita ay 4.6%.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page