top of page
Search
BULGAR

REY VALERA: KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO, SIKAT PA RIN KAHIT 'DI SI SHARON ANG KUMANTA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 26, 2023



Ang sikat at timeless na kanta ng composer na si Mr. Rey Valera na Kahit Maputi na Ang Buhok Ko, isa nang pelikula!


Kaya naman hindi matapus-tapos ang ngiti ni Sir Rey habang kausap namin kahapon sa mediacon ng Saranggola Media entry to the first Summer Metro Manila Filmfest dahil mahusay at makabuluhang nabuo ng isa ring sikat na composer-director na si Joven Tan ang kuwento ng kanyang buhay sa Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na mapapanood na simula sa April 8 sa mga sinehan.


Bilib na bilib at amazed na amazed nga si Sir Rey sa galing ni Direk Joven para mapagtagni-tagni ang kanyang mga kanta at makabuo ng kuwento ng buhay niya na mapapanood nga sa Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).


Aminado si Sir Rey na kahit marami siyang sumikat na kanta tulad ng Malayo Pa ang Umaga (na favorite song daw niya), Mr. DJ, Pangako sa 'Yo, Kung Tayo'y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa at Ako Si Superman, iba pa rin ang impact ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko dahil ito'y pang-general song na lahat ay makaka-relate, kaya 'di na rin kataka-takang pagkatapos itong kantahin ni Sharon Cuneta nu'ng kanyang teenage years, marami nang sumunod at nag-revive.


Kaya naman nu'ng itanong namin kay Sir Rey kung sa tingin ba niya, magiging ganito rin ang kasikatan ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko kahit 'di si Sharon Cuneta ang kumanta, nagpakatotoo naman siya sa pagsasabing wala raw sa singer 'yan, nasa kanta 'yan.


Dagdag pa niya, katibayan nito na dahil nga sikat at maganda ang kanta kung saan lahat ng tao ay nakaka-relate, kaya kahit sino ang kumanta nito, may dating pa rin.


Pero in fairness, in-honor naman din ni Sir Rey ang malaking tulong din ni Megastar sa kanyang career bilang composer dahil sabi nga niya, si Sharon lang among sa mga singers noon ang nagbigay ng mukha sa mga lumilikha ng kanta.



“Nu'ng nagkaroon ng Mr. DJ si Sharon Cuneta, although, hindi naman ako ‘yung kumanta nu’n, pero dahil si Sharon Cuneta kasi, sinasabi ko sa inyo na ibang klase ‘yung singer na ‘yan.


"Bata pa lang, tumatanaw na ng utang na loob. Kapag kumakanta ‘yan sa telebisyon, ang unang bukambibig niyan, bago pa lang siya ma-interview, babanggitin na niya ‘yung composer niya.


“'Hello! Babatiin ko si Rey Valera, ‘yung composer ko.' Ang impact kasi noong panahon namin, before Sharon, ang mga composer, hindi kilala. Pero, nu'ng dumating si Sharon, nagkaroon ng mukha ang mga composer.”


Well, we can say na siguro naman, nagkatulungan sila vice-versa dahil kung nakilala man ang mga kanta ni Rey Valera dahil kay Sharon, sikat pa rin hanggang ngayon ang Megastar dahil bukod sa kanyang mga pelikula, patuloy at paulit-ulit pa ring naririnig ang mga kanta niya na composed by Rey Valera na tumatak na sa isip at puso ng mga OPM music lovers.


Anyway, sa Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), ang magaling na aktor na si RK Bagatsing ang gaganap sa papel ni Rey Valera at star-studded ang movie dahil kasama rin diyan (in alphabetical order) sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza.


Showing na in theaters nationwide ang movie starting April 8.


0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page