top of page
Search
  • BULGAR

Reward daw sa sarili… P16 M, GASTOS SA DREAM DEBUT NI JILLIAN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 18, 2024



Showbiz News

Magtatapos na ang top-rated afternoon soap na Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) kaya nagtatanong na ang mga fans ni Jillian Ward kung ano ang plano ng GMA Network para sa kanilang idolo. Bibigyan ba siya ng bagong show o pagpapahingahin muna at ige-guest sa mga shows ng network? 


Puwede si Jillian saanmang show ilagay kahit drama pa ang forte niya. Maaari siyang sumayaw, kumanta at mag-host. At sa kanyang edad na twenties (20s), mukha pa rin siyang bagets. 


Napakasipag at dedicated ni Jillian Ward sa kanyang career. Nagsimula siyang umarte noong limang taong gulang pa lang siya. May goal siyang gustong abutin at nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nakaipon siya at nakapagpundar ng mga properties. 


May reward din siya sa sarili, dahil ang kanyang dream na bonggang debut ay natupad. Gumastos siya ng P16 million mula sa kanyang kinita sa showbiz. Isa itong memorable event sa kanyang buhay na hindi niya malilimutan.


 

TULOY na ang pakikipag-co-produce ni Chavit Singson sa GMA Films. Nagkaroon na nga ng contract signing sa pagitan ng dating Ilocos governor at ng GMA Films president na si Atty. Annette Gozon para sa kanilang joint venture sa mga pelikulang gagawin. 


Matagal nang may usapan tungkol sa partnership ni Chavit with GMA Films, at ngayon ay pormal na ang kanilang agreement. 


Willing si Manong Chavit na i-produce ang mga pelikulang gagawin ng GMA Films. Una

na rito ang Barkadahan Ng Mga Makasalanan (BNMM) na isang comedy movie. 


Hindi siya nag-e-expect na kikita o malulugi siya, kahit noong franchise ng Ms. Universe ay milyun-milyon ang nalugi sa kanya. Ang tanging konsuwelo niya ay ang pagbibigay ng ingay sa bansa, na nagiging bentahe sa turismo ng Pilipinas. 


Magaling na negosyante si Chavit Singson, kaya’t tiyak na sunud-sunod ang malalaking pelikula na kanyang ipo-produce para sa GMA Films. Tiyak na maraming Kapuso stars din ang mabibigyan ng trabaho.


 

BONGGACIOUS at kakaiba ang idinaos na kaarawan ni Congressman Sam Verzosa (SV) na ginanap sa dating MLQU Quarantine Facility sa Maynila. Namigay siya ng 100 food carts para pangkabuhayan sa mga napiling recipients mula sa iba’t ibang lugar. 

Sila ang mga taong naging bahagi ng programang Dear SV hosted by Congressman Sam Verzosa. 


Paglilinaw ni Cong. SV, matagal na niyang ginagawa ang pagtulong sa mga charity projects. Kahit noong hindi pa siya bahagi ng Frontrow at hindi pa siya congressman, sarili niyang pera ang ipinantutulong niya sa mga nangangailangan. 

Galing din siya sa mahirap na pamilya, kaya alam niya ang sitwasyon ng mga kababayan natin. 


Marami ang nagsabi sa kanya na mas marami siyang matutulungan bilang public servant kaya pumasok siyang partylist representative.


Ngayon, may bali-balita na tatakbo naman ang BF ni Rhian Ramos bilang mayor sa Maynila, at 'yun ang aabangan ng kanyang mga supporters. 


Samantala, malaki ang pasasalamat ni Sam Verzosa kay Willie Revillame dahil ito ang nagturo sa kanya sa pagho-host ng show at binigyan siya ng exposure sa Wowowin

Malaking tulong din na ipinagamit ni Revillame ang Tutok To Win Partylist kaya nanalo siyang congressman. 


Bagama’t pareho silang busy ngayon ni Willie, nagkukumustahan sila at hindi napuputol ang komunikasyon. 


Naiintindihan din ni Sam kung bakit minsan ay mainit ang ulo ni Willie kapag may palpak na nangyayari sa show. Gusto kasi nitong maging professional sa kanilang trabaho ang mga staff ng Wil To Win (WTW).


 

SOBRANG grateful ang Kapuso actor na si Rayver Cruz sa GMA Network sa pagbibigay sa kanya ng mga shows kung saan nailalabas niya ang kanyang talento. 


Tatlo ang shows ni Rayver sa GMA-7, ang All-Out Sundays (AOS), Asawa ng Asawa Ko (ANAK), at The Clash (TC). 


Nagagamit niya ang kanyang singing at dancing skills sa AOS. Nakakaarte naman siya nang seryoso sa ANAK. At sa TC, katuwang siya ng girlfriend niyang si Julie Anne San Jose sa pagho-host. Kaya halos wala nang bakanteng oras si Rayver sa kanyang mga projects ngayon.


Itinuring ni Rayver na inspirasyon si Julie Anne sa kanyang showbiz career. Nakikita ni Rayver ang sipag at dedikasyon ni Julie Anne sa career nito. Marami siyang natutunan sa nobya. 


Ngayon ay nagsisikap na makaipon si Rayver para sa kanyang future. Marami na ang nagtatanong kung kailan niya balak mag-propose kay Julie Anne. 


Well, desidido na si Rayver na pakasalan ang Limitless Star, pero pareho nilang priority ang kanilang career. Hindi naman sila nagmamadaling magpakasal. Sayang naman daw ang mga oportunidad kung palalagpasin. 


Basta ang turing ni Rayver sa parents ni Julie Anne San Jose ay mga magulang na rin niya dahil ulila na siyang lubos. At pamilya na rin ang trato sa kanya ng mga ito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page