top of page
Search

Revilla, inalerto ang DPWH at LGUs sa paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Pepito

BULGAR

by Info @Brand Zone | Nov. 15, 2024



Nalulungkot si Revilla dahil hindi pa man nakakabangon ang Northern Luzon ay isang bagyo na naman ang papasok kaya mahalaga na may pre-positioning na ng mga emergency at relief goods at umaasa na walang magiging matinding pinsala sa buhay at ari-arian.


Inalerto ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Local Government Units na tiyaking nakalatag na ang mga paghahanda pagpasok ng bagyong Pepito sa Sabado.


Ayon kay Revilla na chairman ng Senate Committee on Public Works, dapat paspasan ang clearing operations sa mga lugar na nagkaroon ng landslide at pagguho ng mga puno matapos hagupitin ng bagyong Ofel.


"Eto pa lang nga si Ofel, paparating naman agad itong si Pepito," Revilla said. "So we must spare no time in cleaning up after Ofel and bracing for Pepito, ayon pa sa Senador.


Sinabi ni Revilla na hindi inaalis ng PAGASA na maging super typhoon si Pepito kaya kailangang masiguro na ngayon pa lang malinis at maluwag na ang mga daluyan ng tubig at malinis ang lahat ng mga maaring maging debris.


Nalulungkot si Revilla dahil hindi pa man nakakabangon ang Northern Luzon ay isang bagyo na naman ang papasok kaya mahalaga na may pre-positioning na ng mga emergency at relief goods oras na kailanganin.


Umaasa ang Senador na walang magiging matinding pinsala sa buhay at ari-arian kung ang publiko ay nakahanda.


"We are hoping na wala masyadong pinsala. Preparations are in place," he said. "Pero dapat handa pa rin tayo for whatever that may come. Dapat safe on ground na lahat ng kailangan at mga tauhan, para anuman ang mangyari, agad natin itong matutugunan,” dagdag pa ng Mambabatas.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page