ni Eli San Miguel @Business News | June 11, 2024
Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Martes na inaasahang matapos ang kanilang pag-aaral sa posibleng pagtaas ng sahod ng mga government worrkers, bago magwakas ang Hunyo 2024.
Ayon sa pahayag ng DBM, magiging batayan ang mga resulta ng Compensation and Benefits Study para sa Total Compensation Framework ng mga kawani ng sibilyang pamahalaan.
“Once the study is finalized, the consultant commissioned by the Governance Commission for GOCCs (GCG) will present the accepted study results both to the Department of Budget and Management (DBM) and the GCG,” anang DBM.
“We will find a way to fund its implementation, subject to excess revenue to be collected by the national government,” dagdag pa ng ahensiya.
Nilalayon ng nasabing ‘wage hike’ na magtatag ng patas na sistema ng pagpapasahod para sa mga government workers, habang iniisip ang epekto ng inflation.
コメント