ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 29, 2021
Maaari nang magbalik-operasyon ang mga restaurant at personal care services katulad ng babershop at salon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Huwebes, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang 10% dine-in capacity operation sa mga restaurants at 30% capacity naman sa mga beauty salons, barbershops at spas.
Saad pa ni Roque, “Moreover, these establishments shall only provide services that can accommodate the wearing of face masks at all times by clients and service providers.”
Samantala, hanggang May 14 isasailalim sa MECQ ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.
Comentarios