ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | August 7, 2024
Kumpleto na ang imbestigasyon -- lahat ng detalyeng kailangan para matukoy ang sumadsad na tanker MT Terra Nova sa Bataan na nagdulot ng malawakang oil spill at umabot sa mga coastal town ng Cavite at labis na nakaapekto sa kabuhayan ng maraming mangingisda.
Ayon sa provincial government ng Cavite, 8 bayan sa buong lalawigan ang kumpirmadong naapektuhan ng naganap na oil spill at ito ang mga bayan ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate na kinailangan pang isailalim sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng oil spill.
Hindi tayo naghahanap ng sisi. Wala namang may kagustuhan na lumubog ‘yung tanker na ‘yon sa lakas ng bagyo noong nakaraang linggo. Pero may dapat tayong gawin upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Hindi puwedeng walang managot at hindi maaaring walang accountability. Nakakalungkot at nakakadismaya kasi napakalawak ng pinsala nitong oil spill na ‘to hindi lang sa kalikasan kung ‘di sa kabuhayan rin ng ating mga kababayan.
Kaya dapat ‘yung may-ari ng barkong lumubog, dapat tumulong at manguna sa paglilinis ng kumalat na langis sa karagatan. They should also compensate the fisherfolk. Nawalan ng kabuhayan ang ating mga mangingisda. Kahit pa walang may kagustuhan ng nangyari, may responsibilidad pa rin sila riyan. Hindi puwedeng hahayaan lang ‘yan at iba ang sasagot na sa kanila nagmula.
Dumadalas na kasi ang pangyayaring tulad nito at palagi na lamang ang pamahalaan ang nagreresolba ng mga ganitong problema kaya dapat ay hindi na maulit pa. Napakarami nang kalamidad ang nananalasa sa bansa na hindi maiwasan — pero sana naman ang mga ganitong perhuwisyo na kaya namang iwasan ay hindi na mangyaring uli.
Hindi biro ang ulat na ang lumubog na MT Terra Nova ay may lulang 1.4 milyong litro ng industrial fuel na hindi sana kumalat sa karagatan kung naging responsable lamang ang naturang tanker sa pangangalaga sa naturang krudo.
Walang magawa ang Cavite Provincial Government kundi ang ipagbawal ang panghuhuli at pagbebenta ng lahat ng lamang-dagat na mula sa mga coastal area upang maiwasan na makaapekto pa sa kalusugan ng marami nating kababayan.
Marahil, panahon na para magkaroon ng kompensasyon ang mga naapektuhan ng environmental damage na ito ng lumubog na oil tanker at hayaan nating balikatin ng insurance ng may-ari ng nabanggit na tanker.
Dapat singilin ang may-ari ng barkong ito para sa environmental damages. Let its insurance cover for everything. Dapat may insurance ‘yung mga ganyan di ba? Dapat habulin natin sila. Moreover, we should tighten the regulation on ships and tankers that we allow to voyage our seas. Kung sa inspection pa lang, kulang na tayo, para bang sinadya na rin nating mangyari ito.
Kung palulusutin na naman natin ang pangyayaring ito ay hindi nagiging maingat ang mga barkong naglalayag sa ating mga karagatan habang ilang ulit na ba nating naranasan ang ganito na nauwi na lamang sa limot matapos makapaminsala.
Kung magkakaroon nang paghihigpit at pananagutan sa mga ganitong klase ng trahedya ay tiyak na magkakaroon ng matinding pag-iingat ang mga barkong naglalayag sa ating karagatan at malaking kabawasan ito sa mga kalamidad na pumipeste sa atin.
Hindi kasi katuwiran na hindi umano nila ginusto ang naturang oil spill — dahil kung hindi talaga nila ito gusto ay dapat na nag-ingat sila, pero dahil alam nilang wala namang mangyayari kahit mangitim pa ang ating karagatan sa rami ng tumapong langis ay masyado silang relax sa kanilang paglalayag.
Walang iniwan sa ordinaryong sasakyan na bago bumiyahe ay tinitiyak na maayos at ligtas ang lahat ng bahagi sa kabila ng nagbabayad naman ng insurance sakaling masangkot sa aksidente upang kahit mangyari ang hindi inaasahan ay mabilis na mareresolba ang lahat.
Dapat ay inilalantad din ang mga mukha ng may-ari ng naturang tanker, maging ang kapitan at chief engineer nito para mas tumindi ang kanilang pagiging responsable kung paano mag-iingat dahil makakaapekto rin ito sa kanilang pagkatao.
Sa ngayon ay inaasahan nating kusa na lamang maglaho sa lawak ng karagatan ang tumapon na langis at ang mga tripulante ng naturang barko ay maglilipatan lamang sa ibang kumpanya at tuloy na naman ang ligaya.
Sa ibang bansa ay napakahigpit pagdating sa mga ganitong kaso at mayroon silang oil spill control equipment o mas kilala sa tawag na oil containment boom na agad inilalatag sa paligid ng naaksidenteng barko upang sakaling tumagas ang langis ay hindi na kumalat sa lawak ng karagatan.
Ang oil containment boom na ito ay inflatable na pinalulutang sa paligid ng barko at subok na ang kakayahan nito para pigilan ang pagkalat ng langis na hindi naman kumakalat sa ilalim ng dagat dahil ang langis ay umiibabaw lang naman sa karagatan.
Isa ito sa napakatagal ng equipment na mayroon ang pamahalaan ng ibang bansa na marahil ay panahon na upang magkaroon ang ating mga bantay-dagat na mabilis na aaksyon sakaling maulit ang aksidente sa barko.
May umiiral na maritime law at ang paghihigpit sa pagpapatupad nito ay ginagawa sa maraming bansa maliban sa atin.
Huhupa ang problemang ito at sa paglipas ng panahon ay posibleng maulit na naman ang oil spill — at ganito na naman — maraming magkokomento pero walang solusyon kung paano ito matitigil.
Kayang-kayang tuldukan ang oil spill, ang kailangan lamang ay patuloy na ugnayan ng pamahalaan sa mga may-ari ng barko para sa mabilis na responde sakaling may aksidente gamit ang mga makabagong equipment na matagal ng nadiskubre pero tila walang kamuwang-muwang ang ating mga bantay-dagat hinggil dito.
Nakakapagtaka nga kung bakit napakamura lang ng oil containment boom na ito at maging ang pinakamahirap na bansa sa buong mundo ay mayroon nito maliban sa atin na umaasa na lamang na maglaho ang langis sa karagatan sa katagalan.
Sa lahat ng barko ang oil tanker ang pinakadelikado kung environment damage ang pag-uusapan dahil sa palaging langis ang lulan nito kaya nga sila ang pinauuna sa paglalayag sa karagatan upang hindi sila maantala. Kumbaga, nagbibigay daan ang ibang barko kung tanker ang kanilang kasalubong.
Malaki umano ang tsansa na tumagas ang langis sa tanker kung sakaling maaksidente kaya agad-agad ay dapat na inilalatag sa paligid ng tanker ang oil containment boom para sa oras na tumagas na ang langis ay hindi na kumalat pa sa karagatan.
Dapat busisiin natin ang mga bantay-dagat at coast guard kung sapat ba ang kanilang kaalaman hinggil sa pagpigil ng pagkalat ng langis.
Hindi lang kasi kabuhayan ng mangingisda ang apektado sa oil spill — maging ang turismo ay damay sa mga ganitong pangyayari kaya panahon na para matutunan natin ang pagresolba sa oil spill na ultimo mahihirap na bansa ay kaya na ito — tapos tayo hindi natin alam.
Anak Ng Teteng!
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anakngteteng.bulgar@ gmail.com
如果学生在考试前临时决定寻求代考 https://www.lunwentop.net/daikao/ 服务,急需的服务往往价格更高。这是因为代考者需要在短时间内熟悉考试内容并准备应对,时间紧迫性增加了服务的难度和风险。另外,考试时间本身也会影响价格。如果考试安排在周末或节假日,代考者可能会因为时间冲突要求更高的报酬。