Requisites ng contract of sale
- BULGAR
- 11 hours ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Apr. 24, 2025

Dear Chief Acosta,
Ano ba ang mga requisite ng isang wasto o valid na bentahan? Ano ang maaaring maging epekto ng kakulangan ng espesipikong bagay na siyang paksa ng bentahan?
— Celine
Dear Celine,
Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa mga probisyon ng ating batas at mga kaugnay na desisyon ng Korte Suprema. Hinggil sa mga nabanggit, nakasaad sa Artikulo 1458 ng Republic Act (R.A.) No. 386, o mas kilala sa tawag na New Civil Code of the Philippines, ang depinisyon at legal na basehan ng kontrata ng bentahan o mas karaniwang tinatawag na contract of sale:
“Art. 1458. By the contract of sale one of the contracting parties obligates himself to transfer the ownership and to deliver a determinate thing, and the other to pay therefor a price certain in money or its equivalent. xxx”
Kaugnay ng nasabing probisyon ng batas, nabanggit sa kasong Pasco vs. Cuenca (G.R. No. 214319, 04 November 2020) sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ang mga requisites ng isang wasto o valid na kontrata ng bentahan o contract of sale:
“Otherwise stated, a contract of sale is a consensual contract which requires for its perfection and validity the meeting of the minds of the parties on the object and the price. The essential elements of a contract of sale are:
(a) consent or meeting of the minds, that is, consent to transfer ownership in exchange for the price;
(b) determinate subject matter; and
(c) price certain in money or its equivalent. All these elements must be present to constitute a valid contract.”
Ayon sa Artikulo 1409, ikatlong talata ng New Civil Code of the Philippines, walang bisa o void ang isang kontrata na walang bagay (object) na siyang paksa ng isang bentahan:
“Art. 1409. The following contracts are inexistent and void from the beginning: xxx
(3) Those whose cause or object did not exist at the time of the transaction;”
Bilang isang void o walang bisang kontrata, ito ay itinuturing na walang puwersa at epekto mula pa sa simula, kahit na laban man, o pabor sa sinuman, at kinokonsidera na parang hindi pinasok o pinagkasunduan ng mga partido.
Sa kasong Fullido vs. Grilli (G.R. No. 215014, 29 February 2016) binigyang-linaw ng Kataas-taasang Hukuman, sa panulat ni Honorable Associate Justice Jose C. Mendoza, ang epekto ng isang void o walang bisa na kontrata:
“A void or inexistent contract may be defined as one which lacks, absolutely either in fact or in law, one or some of the elements which are essential for its validity. It is one which has no force and effect from the very beginning, as if it had never been entered into; it produces no effect whatsoever either against or in favor of anyone xxx because the seller in their contract of sale was not the owner of the subject property. For lacking an object, the said contract of sale was void ab initio.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments