top of page
Search
BULGAR

Requirements para maging foster parent ang isang foreigner

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 13, 2023


Dear Chief Acosta,

 

Ang aking kaibigan na foreigner at residente na ng Pilipinas ay interesadong maging isang foster parent dito sa ating bansa. Ano ang mga kailangan niyang requirements para maging kuwalipikado siya bilang isang foster parent? - Mary Ann

 

Dear Mary Ann, 

 

Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Rule 6 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10165, o mas kilala sa tawag na The Foster Care Act of 2012, kung saan nakasaad na:

 

“RULE 6. Who May Be a Foster Parent. – To qualify as a Foster Parent, an applicant must meet all of the following:

a. Must be of legal age;

b. Must be at least sixteen (16) years older than the Foster Child unless the applicant is a relative of the Foster Child;

c. Must have a genuine interest, capacity and commitment in parenting the Foster Child and able to provide the Foster Child with a familial atmosphere;

d. Must have a healthy and harmonious relationship with each family member living with him/her;

e. Must be of good moral character;

f. Must be physically and mentally capable and emotionally mature;

g. Must have sufficient resources to be able to provide for the family’s needs; and

h. Must be willing to be trained or receive advice for the purpose of increasing or improving his or her knowledge, attitudes and skills in caring for a child.

 

For an alien to qualify as a Foster Parent, he/she must (i) be legally documented, (ii) possess all the qualifications above-stated, (iii) have resided in the Philippines for at least twelve (12) continuous months at the time of the application, and (iv) undertake to maintain such residence until the termination of placement by the DSWD or expiration of the Foster Family Care License.

 

For purposes of determining continuous residence, the alien must not have spent more than sixty (60) days of the last twelve (12)- month period prior to the filing of the application outside of the Philippines, and then only for meritorious reasons.” 

 

Malinaw sa nabanggit na batas na upang maging kuwalipikado ang isang alien o foreigner bilang isang foster parent dito sa Pilipinas ay dapat taglay muna niya ang lahat ng mga kuwalipikasyon upang maging isang foster parent ng isang Pilipino. Bukod pa rito, dapat na siya ay legal na naninirahan sa Pilipinas, at nakatira na siya rito sa ating bansa sa loob ng 12 tuluy-tuloy na buwan mula sa kanyang aplikasyon. Kailangan din niyang magbigay ng isang undertaking na siya ay maninirahan dito sa Pilipinas hanggang matapos ang placement o mag-expire ang kanyang Foster Family Care License.  

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page